^

PSN Opinyon

Lokal na pamahalaan, kabalikat sa Pabahay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
BUMABATI ako ng Maligayang Pasko sa lahat. Nawa ang pagsilang ng Mananakop ay magdulot ng kapayapaan sa bawat isa.
* * *
Sa kabuuan, ang implementasyon ng mga proyekto sa pabahay ay isinasagawa ng mga iba’t ibang ahensya gaya ng National Housing Authority, Home Development Mutual Fund, Home Guaranty Corporation, National Home Mortgage and Finance Corporation at ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG.

Liban sa mga ito, mahalaga ang mga papel na ginagampanan ng pribadong sektor gaya ng mga developers, mga banko, non-government organizations at maging ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyekto at reporma sa pabahay.

Ang mga lokal na pamahalaan o local government units (LGUs) ay tunay na mga kabalikat namin sa pabahay. Sa larangan ng Community Mortgage Program, malaki ang papel ng mga lokal na pamahalaan bilang mga originators. Mga lokal na pamahalaan din ang tumutulong sa amin sa mga relokasyon ng mga informal settlers upang mabigyan sila ng kaseguruhan sa lupa at paninirahan. Maging sa proklamasyon ng mga pampublikong lugar bilang socialized housing sites ay katulong namin ang mga lokal na pamahalaan.

Ang epektibo at matagumpay na programa sa pabahay ay hindi lamang sakop ng pamahalaang nasyonal, nangangailangan din ito ng buong suporta at pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan sapagkat ang kakulangan sa pabahay ay hindi lamang suliranin ng pamahalaang nasyonal.

Sa Metro Manila at iba pang urban centers ay aktibo ang mga lokal na pamahalaan sa pabahay, sa katunayan, naparangalan ang Lungsod ng Las Piñas sa natatangi nitong pagsulong sa pabahay sa naganap na Kabalikat sa Pabahay Awards. Sana ay maging inspirasyon ang Las Piñas City sa iba ring LGUs upang maging mas aktibo sila sa programa ng pabahay.

vuukle comment

COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

HOME GUARANTY CORPORATION

LAS PI

LOKAL

MALIGAYANG PASKO

NATIONAL HOME MORTGAGE AND FINANCE CORPORATION

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PABAHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with