^

PSN Opinyon

Problema ng mga miyembro ng Health Employees Assn. sa DOH Region IV !

- Ben Tulfo -
NAKIKIRAMAY ang kolum na ‘to sa problema ng mga kawani ng Department of Health (DOH) sa region IV o nasasakupan ng Cavite, Laguna Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon).

Ipinarating ang problema sa pamamagitan ng liham na may petsang Nobyembre 6, ng taong ito. Anila sa kanilang liham, sobra na ang pulitika at pamumulitika sa kanilang kagawaran.

Idinagdag pa ng mga lumiham, sumulat na sila kay Secretary Manuel Dayrit ng DOH. Bukod pa sa kanilang paghingi ng tulong sa mga senador. Problema, wala raw naging aksiyon sa kanilang karaingan hanggang ngayon. Mistula daw mga "bingi" at "bulag" ang kanilang mga nilalapitan.

‘Di ako magtataka kung wala silang magiging aksiyon. Ihahalintulad ko na ang mga opisyal na ‘to sa ilang kawani ng pamahalaan ngayong "kapaskuhan." Wala nang matinong makakausap ngayon. Karamihan sa kanila bakasyon na ang nasa utak. Wala na sa kanila ang tunay na diwa ng paglilingkod-bayan.

Natitiyak kong ganuon din ang utak ng inyong opisyal. Lumilipad na sa kanyang ambisyong pagka- senador. At ‘yung mga senador abala na rin sa kanya-kanyang ambisyon. Kaya mensahe ng kolum na ‘to, bago pa man tuluyang umalma ang mga kawani ninyo sa DOH. Huwag puro NGAWA, kailangan nila GAWA.

Secretary Manuel Dayrit, basahin ang liham na ‘to!
* * *
Dear Mr. Ben Tulfo,

Sana po mabigyan ninyo ng pansin itong sulat namin na naipadala na namin kay Secretary Manuel Dayrit ng
Department of Health (DOH). Humingi na rin kami sa ibang senador ngunit patuloy lamang silang nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan.

Sana po ang nangyari ngayon sa aming office ay maharap at mabigyan ng lunas ng kinauukulan.

Ito po ang ilan sa aming natuklasang problema, nawawala po ang aming pondo. Dahil dito nadi-delay ang aming mga allowances, hazard pays, suweldo at ibang mga benefits.

Nagbabangayan ang mga accounting, auditor, person- nel at lalo na ang mga direc-tors palibhasa hindi sila dito sumusuweldo.

Ang masaklap pa, hire sila ng hire, pagkatapos tinatanggal naman nila ang mga casual at contractual. Resulta nito nadadamay ang serbisyo. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Very truly yours


Health Employees Association

DOH — Region IV office (Calabarzon)

CALABARZON

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH EMPLOYEES ASSOCIATION

LAGUNA BATANGAS

MR. BEN TULFO

SANA

SECRETARY MANUEL DAYRIT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with