^

PSN Opinyon

Ang angkan ni Jesus

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
TULAD ng bawat tao, si Jesus ay may angkang pinanggalingan. Sa Ebanghelyo sa araw na ito inilalahad ang angkan na pinagmulan ni Jesus (Mateo 1:1-17).

Ito ang lahi ni Jesus na mula sa angkan ni David na mula sa lahi ni Abraham.

Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminabad; si Aminabad ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon.

Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawang si Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ng kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eliud ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Jesus na tinatawag na Kristo.


Labing-apat ang salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, 14 mula kay David hanggang sa pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia, at 14 din mula sa pagkakatapon sa Babilonia hanggang kay Jesus.

Si Jesus ay ganap na walang kasalanan. Ganoon din si Maria, sa pamamagitan ng pagkakalihi sa kanya na walang bahid ng kasalanan. At si Jose naman ay isang matuwid at busilak na tao. Sila’y mga halimbawa ng kabanalan at kagandahang-loob.

Habang ating pinagninilayan sina Jesus, Maria at Jose, ipanalangin natin na, tulad nila, tayo rin ay maging banal at busilak sa ating pamumuhay at sa ating mga ugnayan.

ABIAS

ACAZ

AMA

AMINABAD

AQUIM

BABILONIA

BOOZ

ELEAZAR

ELIAQUIM

ESROM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with