Resulta ng paggamit ng automated counting machine depende pa rin sa Comelec
December 12, 2003 | 12:00am
TULUYAN nang pinayagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang grupo ng National Movement for Free Election (NAMFREL) ng kanilang "parallel vote count."
Napag-isipan ng Comelec na babagsak sa kanila ang kritisismo kung sakaling magkaroon ng problema sa darating na halalan sa 2004. Piyesta naman ito sa panig ng Namfrel.
Sa panayam namin kay Namfrel Chairman Jose Concepcion sa aking radio program sa palatuntunang "BAHALA SI TULFO," nagpahayag ito ng kasiyahan sa desisyon ng Comelec.
Tuloy ang kanilang dating gawa. Ang kaibahan lang daw mas madali na ngayon ang pagbibilang ng balota kaysa sa dati.
Naniniwala si Chairman Concepcion na tahimik, malinis at mabilis na raw ang magiging election sa Mayo ng susunod na taon.
Ako man ay naniniwala sa mga sinasabing ito ni Jose Concepcion. At maging ng mga pinangangalandakan ni Comelec Chairman Benjamin Abalos, Sr.
Sa pamamagitan kasi ng paggamit ng mga makabagong makina o ng "automated counting machine" tiyak magiging mabilis nga ang paglabas ng resulta ng halalan.
Subalit tahasan kong sasabihin. Nakadepende pa rin ang tumpak na resulta ng isang makina kapag "tumpak" din ang gumagamit nito.
Ika nga, kung anong isinusubo sa computer, ito rin ang detalye na iyong makukuha.
May kasabihan nga sa salitang Ingles, "Garbage In, Garbage Out!" o "GIGO." Kung basura ang ipinasok sa isang makina, asahan mong basura din ang ilalabas nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest