Karaoke singing sa PNP
December 6, 2003 | 12:00am
NAUUSO yata ang karaoke singing sa PNP marami kasi ang kumakanta ngayon ng minus one imbes na blockbuster songs ang inaawit puro kabahuan ang lumalabas sa kanilang mga bibig.
Na-in kasi sa PNP ang top hit song na laban o bawi?
Ang new singers ay ang mga nasibak na sina NCRPO bossing Reynaldo Velasco at CIDG bossing Eduardo Matillano. Silang dalawa ngayon ang kumakanta ng mga itinagong baho daw ni PNP bossing Jun Ebdane. Ang title ng kanilang kanta ay corruption sa PNP.
Sino kaya ang composer nito?
Kahit wala sa tono ang kanta nina Velasco at Matillano ay nayanig ang pamunuan ng kapulisan. Kaya demoralisado ang mga pulis. Si Ebdane, kasi ang conductor ng konsierto dahil siya ang kumumpas ng tugtog na pinamagatang babalasahin ko kayo.
Pero may mga pumalag sa kumpas niya dahil ayaw sa kanyang tugtog kaya gumawa ng sariling kanta ang dalawang opisyal niya kaya naman nagkahetot-hetot ang kapulisan. Sa mga nangyayari ngayon sa PNP tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Palasyo ang sasakit ang ulo.
Si Prez Gloria, kasi ang magiging hurado dito at pangit para sa kanyang administrasyon ang nangyari dahil malapit na ang eleksyon. Naiwang nakatunganga ang bayan naghihintay kung sino ang magwawagi sa paligsahan.
Maraming opisyal ng PNP ang pumalakpak at nagbigay ng full support sa paghanga kay Ebdane dahil sa pakiramdam nila tama ang tugtog nito. Parang bulkang sasabog ang kapulisan dahil sa kanta nina Matillano at Velasco. Ika nga, binubuko ang malaliman corruption dito. Si Ebdane ang nabibingi sa kanta ng dalawa.
Tuwang-tuwa naman ang media sa kakikinig ng mga sintunadong kanta nila kasama siyempre rito ang mga kuwago ng ORA MISMO.
Para silang jukebox, habang hinuhulugan ng piso ay magagandang awit ang kinakanta ng wala ng coins na mahuhulog ay wala na sa tono ang mga kanta, anang kuwagong music lover.
Ganyan talaga kapag busog tahimik, kapag magugutom maingay, sabi ng kuwagong Kotong cop.
Para rin pala silang Baby kapag may sinusupsop na gatas tahimik pero kapag nagutom at walang gatas iyak ng iyak, natatawang sabi ng kuwagong Kotong cop.
Bakit ngayon lang sila kumanta? tanon ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Nawala kasi sila sa top hits.
Dapat imbes na kumanta sila nag-aral na lang silang tumula?
Mukhang tama ka diyan, kamote.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest