^

PSN Opinyon

Batas hindi armas

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
AARMASAN na ng Philippine National Police ang mga negosyanteng Tsinoy dahil sa sunud-sunod na pangingidnap. Isang Presidential Decree ang pinirmahan ni President Gloria Macapagal-Arroyo upang bigyan ng pahintulot ang mga negosyanteng Tsinoy na makapagdala ng baril. Ang direktiba ay nag-ugat sa pagkakakidnap at pagpatay kay Betty Sy noong November 17. Maraming Chinese ang nagalit sa pagpatay kay Sy.

Hindi ba kayo masisindak sa direktibang ito? Hindi ba’t ganito rin ang nangyari sa bansa noong bago ideklara ni Marcos ang martial law. Ang taumbayan ay nasasakmal sa takot dahil sa lahat yata ng tao noon ay may mga dalang baril?

Kung sabagay, hindi masisisi ang mga Tsinoy kung gamitin ang kanilang impluwensya sa pamahalaan upang hilingin nila ang pagpapalabas ng nasabing Presidential Decree. Sila ang ginagawang palabigasan ng mga kidnappers. Matagal na nga namang hindi ito nabibigyan ng solusyon ng awtoridad.

Hindi ako sang-ayon sa desisyon ni GMA at ng PNP na armasan ang mga Tsinoy. Maaaring humantong ito sa pag-aabuso na lalong magpapalala sa sitwasyon sa bansa. Nararapat din na ang mga namumuno ang magpakita ng magandang halimbawa. BATAS ang kailangan hindi ARMAS.

BETTY SY

ISANG PRESIDENTIAL DECREE

MAAARING

MARAMING CHINESE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL DECREE

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with