^

PSN Opinyon

Editoryal - Kidnapping ay mataas, bitay na ang dapat

-
APAT na araw makaraang kidnapin at patayin ang 32-year old na Coca Cola executive na si Betty Sy, sumalakay muli ang mga kidnaper at isang 10-year old na babaing estudyante ang kinidnap habang patungo sa school noong Biyernes ng umaga. Ang driver at yaya ng bata ay binaril pa ng mga kidnappers.

Dahil sa sunud-sunod na pangingidnap na ang target ay ang mga mayayamang Tsinoy, nagkaroon ng paghihigpit sa seguridad ang mga school na pinapasukan ng mga anak ng mayayamang Tsinoy. Naalarma na sila at natatakot na baka sa mga sumunod na araw ay sila naman o ang kanilang mga anak ang makidnap. Lalo pa nga’t kumikilos lamang ang Philippine National Police at anti-kidnapping task force kapag mayroon nang nakidnap at napatay gaya nga ni Sy.

Kinidnap si Sy noong Lunes ng umaga habang sakay ng kanyang RAV4. Puwersahang inilabas sa kanyang sasakyan, at inilipat sa isang puting FX taxi. Ipinatutubos siya ng mga kidnaper ng P10-milyon. Kinabukasan, natagpuan ang kanyang bangkay sa Parañaque na nakabalot sa isang itim na trash plastic bag.

Sino pa ang sunod na kikidnapin at papatayin? Marami ang humihingi sa ulo ni anti-kidnapping czar Angelo Reyes dahil sa hindi masawatang kidnapping pero ipinagtanggol pa siya ni President Arroyo. Bigyan ng pagkakataon. Kaaapoint lamang ni Reyes, makaraang magresign sa Department of National Defense.

Wala nang iba pang kasagutan sa lumalalang kidnapping at iba pang krimen kundi ang ibalik ang parusang kamatayan na matagal na ring nahimbing. Sa mga sunud-sunod na kidnapping, sigurado nang maraming dayuhan ang matatakot na magtungo sa bansa. Ang mga dayuhang negosyante naman ay maaaring ilipat ang kanilang negosyo sa ibang bansa na walang kidnapan. At isa lamang ang ibig sabihin niyan, marami ang mawawalan ng trabaho.

Malambot ang pamahalaan kung ang tungkol sa paglalapat ng parusang kamatayan ang pag-uusapan. Mas pinipili pang lumawak ang nasasakop ng mga halang ang kaluluwa kaysa isalang sa lethal injection chamber. Isang dahilan kung bakit napakalakas ng loob ng mga holdaper sapagkat mahuli man sila, hindi pa rin "matuturukan" sapagkat ang Presidente mismo ay ayaw itong ibalik. Malambot sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen. Hindi na nakapagtataka kung ang taumbayan mismo ang gumawa ng paraan kung paano gagantihan ang mga halang ang kaluluwa .

Ibalik ang parusang kamatayan at unang sampolan ang mga kidnappers at drug traffickers. Ito na lamang ang nalalabing paraan para masawata ang lumalalang kriminalidad sa lipunan.

ANGELO REYES

BETTY SY

COCA COLA

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

MALAMBOT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT ARROYO

SY

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with