^

PSN Opinyon

Magkaisa na raw at walang pulitkahan

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI na naman natuloy ang pagpapahayag ng kandidatura ni FPJ. Hindi maliwanag kung ano ang dahilan at naaantala ang pagpapahayag ni FPJ. Sinabi ni Sen. Tito Sotto, tagapagsalita ni FPJ, na hahayaan na lamang niya ang aktor na magpahayag kung nakahanda na ang pinal niyang desisyon.

Desidido naman si Sen. Ping Lacson sa pagtakbo. Tuwing may pagkakataon, hindi niya kinakalimutang ipahayag na matagal nang buo ang kanyang desisyon. Sa kabilang dako, ilang araw nang walang lumalabas na balita tungkol sa planong-pampulitikal ni Danding Cojuangco na nababanggit noon na nasa likod ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Hilario Davide Jr.

Si President Gloria Macapagal-Arroyo naman ay walang hinto sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Minsan ay nasa paligid lamang ng Metro Manila at karugtong na mga probinsiya. Sa ilang iglap lamang ay nasa Visayas na at Mindanao na kaagad na namumudmod hindi lamang mga titulo ng lupa at tirahan kundi iba’t ibang tulong sa mamamayang Pilipino.

May panahon pa kaya sila para pagtuunan ng pansin ang napakaraming problema ng bansa. Wala na raw pulitikahan. Magkaisa na raw upang harapin ang mga pangunahing suliranin ng bansa. Pero, ano ang kanilang ginagawa?

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

DANDING COJUANGCO

DESIDIDO

MAGKAISA

METRO MANILA

MINDANAO

MINSAN

PING LACSON

SI PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with