Bayaning pulis (1)
November 4, 2003 | 12:00am
DALAWANG klase ang bayani. Merong may kakaibang katangian, kaya umaangat at napupuna ng kapwa. At merong mga ordinaryong tao na puspusang gumagawa ng ordinaryong trabaho, kaya napapansin din.
Ordinaryo sa pulis sumuot sa kakaibang sitwasyon. Sa araw-araw na gawain nila, nagiging bayani rin sila. Halimbawa:
Kasapi sina SPO2 Jacobo Miranda, PO2 Michael Chavez, PO2 Raymond Avila, PO2 Roberto Timor at PO1 Jeremias Aliggayu ng Anti-Carnapping Unit. Minanmanan nila ang bukas-kotse gang na palipat-lipat bumanat sa Quezon City at Makati. Sa puspusang operasyon nung Hulyo, tinibag nila ang sindikato, nasabat ang kagamitang krimen, at nabawi ang ilang nakaw na car accessories. Pinutungan sila ng Medal of Efficiency sa pagbawas ng bukas-kotse.
Natsambahan lang ni SPO4 Pruninie Maambong, PO3 Roberto Tumbagahon at PO2 Chona Gonzales ang mga magnanakaw sa FX taxi. Pero hindi nila tinantanan. Isa si Gonzales sa mga pasaherong biniktima ng tatlong holdaper sa Cubao. Pagbaba ng tatlo, hinabol niya at humingi ng saklolo kina Maambong at Tumbagahon. Huli! Bawas din ang holdap.
Gayun din sina SPO1 Melchor Aguado at PO2 Gerardo Navarro ng Pasay. Nagpapatrulya sila sa Roxas Blvd. at Buendia Ave. nang may tumalong dalawang babae mula sa isang FX taxi. Sumisigaw ang dalawa ng saklolo. Bumaba agad ang dalawang pulis para harapin ang tatlong armadong holdaper. Binaril si Aguado sa binti. Gumanti sila ng putok at natamaan ang isa sa tatlo.
Malamang mas grabe ang inabot ni Aguado kung hindi tinabla ni security guard Reonald Valdez ang labanan ng tatlo-sa-tatlo. Nakatanod noon si Valdez sa entrance ng isang gusali. Nang makita niyang tatlong holdaper ang humarap kina Aguado at Navarro, sumaklolo siya agad.
Una pa nakilala si security guard Maria Fe Sotelo sa kabayanihan. Napulot niya sa toilet ng Alabang Festival Mall ang bag na may P500,000. Hinanap niya ang may-ari at isinoli ito sa isang negosyanteng Tsino.
Marami pa silang dapat purihin sa susunod na kolum.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest