^

PSN Opinyon

Sec. Lina tahimik na sa jueteng

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HINDI natin lubos maisip kung nagyabang na naman si Interior Secretary Joey Lina nang sabihin niyang drug-free na ang bansa natin sa taong 2010. Kung itong sunud-sunod na accomplishments ng Anti-Drug Special Operations Task Force (AID-SOTF) ang ginawang basehan ni Lina sa pagyayabang niya, eh mukhang nasa tamang landas siya. Pero ang tanong ng mga nakausap nating Manila’s Finest, may naniniwala pa ba kay Lina? Kung ang drug-free ang kampanya niya para isulong ang kandidatura niya sa darating na May elections eh may kalalagyan siya. Sariwa pa kasi sa isipan ng Manila’s Finest na nagyabang din nitong nakalipas na mga taon itong si Lina nang sabihin niyang magiging jueteng-free ang ating bansa matapos ang isang taon na kampanya niya. Halos dalawang taon na ang nakalipas at ang jueteng sa ngayon ay talamak na. Bakit tahimik na si Lina at ang Task Force Jericho niya kung jueteng ang pag-uusapan? At panay naman banggit ng mga jueteng lords ng mga pangalang Alex at Birong, he-he-he! Tiyak, alam ni Atty. Morga ang kasagutan diyan, di ba mga suki?

Kaya kung itong sumemplang na jueteng campaign ni Lina ang gagawing basehan, hindi rin uusad sa drug-free ang bansa natin tulad ng ipinangako niya, at tiyak din na kung sinu-sino na naman ang sisisihin ni Lina kapag nabulilyaso ang mga pagyayabang niya tulad sa jueteng isyu nga. Kawawang kapulisan. Malimit sila ang punching bag ni Lina para lang maiahon niya ang bumababang popularity niya. At ba’t naman natin iboboto itong si Lina kapag natuloy ang plano niyang tumakbo sa Senado eh panay kasinungalingan lang ang gagawin niya roon, anang Manila’s Finest na nakausap natin. May katwiran sila rito, di ba mga suki?

Kung sabagay, paano magiging drug-free ang bansa natin kung itong AID-SOTF na pinangungunahan ni Dep. Dir. Gen. Edgar Aglipay ay demoralisado dahil sa harassment na tinatanggap nila? Imbes kasi na imbestigahan kung paano nakapag-operate ang mga drug syndicates sa bansa, ang ginawa ng PNP natin sa initiative ni Dir. Eduardo Matillano ng CIDG ay sila ang binalingan dahil sa bintang na itinago nila ang 50 kilos ng shabu sa drug laboratory sa Tanza, Cavite. Hearsay naman ang bintang pero pursigido si Matillano na iligwak ang mga taga-AID-SOTF. Parang mga kaso ba ni Matillano laban kay Sen. Ping Lacson na panay hangin at walang elemento pero pinipilit na niya. He-he-he!

DRUG

DRUG SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EDGAR AGLIPAY

EDUARDO MATILLANO

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

KUNG

LINA

MATILLANO

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with