^

PSN Opinyon

Tunay na biktima

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
SI Maria Teofila Aquino o Matel ay graduating student sa kursong nursing at lubos na inaasahan ng pamilya na makakatulong pagka-graduate. Dalawa silang magkapatid at siya ang panganay.

Mahirap lang ang pamilya nila, subalit maayos at masaya.  Nakatira sila sa Galas, Quezon City at lahat sila ay kilala ng mga kaibigan at kamag-anak sa pagiging masikap, mabait at matulungin.

Ang yumaong lolo ni Matel ay kumpadre ng ama ko, ninong ng kapatid ko hindi lang sa binyag kung hindi pati sa kasal.  Lahat kami ang tawag tuloy sa kanya ay Ninong. Ang tunay niyang pangalan  ay Teofilo, sa kanya kinuha ang pangalan ni Matel.

Mula pagkabata ay naaalala ko ang pagpunta namin sa kanilang tahanan, maliit nguni’t malinis, kung hindi sa araw ng Pasko ay Bagong Taon.

Masaya ang pakiramdam pagka nandoon kami, para na kaming pamilya at iba talaga ang pagkaing hinahain. Kaldereta, embotido na home made, leche plan na ubod ng sarap at iba pang putaheng super sa sarap.

Open house sa lahat at isang bagay yon na ayaw ni Ninong na hindi  niya gagawin, kahit na paliit nang paliiit ang kita nila. Kailangan daw ipagdiwang ang araw ng PASKO at salubungin  ang BAGONG TAON.

Sila ang sariling nagluluto, lahat sila magaling na cook at noong bata ako inisip ko na yun ang dahilan kaya mataba si Ninong at karamihan sa kanyang mga anak, pati ang tatay ni Matel na si Eming.

Siyanga pala, abogado at accountant si Ninong at siya pa ang may hawak ng libro ng negosyo ng pamilya, marangal siyang tao at nirerespeto ng lahat, matampuhin nga lang.

Naaalala ko na kapag ayaw naming sumama hindi papayag si PAPA, magagalit daw si Ninong kaya kami naman, di sama na, sarap na ng pagkain may pakimkim pa.

Nang mag-asawa na ako, hindi na ako sumasama pero si utol at ang magulang ko taun-taon pa rin ang pagpunta.  Naririnig ko na lang sa kanila na marami na raw sakit si Ninong at pahirap nang pahirap ang buhay.

Ganoon pa man, sinikap niyang makapag-aral ang mga anak at nagtutulungan rin mapag-aral ang mga apo kasama na si Matel. Si Matel ay masipag at matiyaga at nagplano pang makapunta sa US kaya nursing ang kinuha.  Lagi niyang sinasabi sa kanyang Lolo na  sasama niya ito sa US. Isang pangarap na nasira ng KURATONG BALELENG.

Malapit nang magtapos si  Matel. Dumaan siya ng SM Centerpoint upang mamili ng kailangan sa klase. Siya namang paglabas ng grupo ng KURATONG BALELENG na katatapos lang holdapin ang isang banko.

Walang dahilan, hindi man lang nakaharang, nagkataon lang na naglalakad papasok sa mall at hindi sa banko tutuloy. BINARIL at PINATAY si MATEL at ang  pag-asa ng pamilya pati na ang PANGARAP niya para sa kanyang Lolo at Ninong namin.

Hindi nila maibabalik ang buhay ni MATEL,  hindi nila inisip ang karapatang pantao ni MATEL, ni Ninong, ni Eming at ng kanyang pamilya.

Ilan pa ang pinaslang nila ng walang awa.  Ilan pa ang sinira nilang buhay at pamilya.  Ngayon, kayo ang humusga, ang mga kriminal na ganoon ba ay may human rights? Dapat  ba silang bigyan ng proteksyon?  Maibabalik ba nila ang mga MATEL na pinaslang nila? Kayo mga kaibigan  at mahal kong mambabasa ang dapat tanungin. Text lang ng inyong sagot sa 09272654341.

(Nagkamali ho ako sa nakaraang isyu sa pagsasabi kong bagong nursing graduate si Matel, hindi pa pala. Graduating siya ng mapaslang. Paumanhin ho sa inyo.)
* * *
Pulitika at lakas ng mga  nsa posisyon. Tkot sla kc mlakas s ping lacson. –09207039482; Dati ang drama ng GMA ay Gusto Maupo Agad, aba nung maupo  na at nkaexperience ng plenty eh ang drama naman ni GMA ay Gustong Maupo Again. –09178417857;

Vry obvious pltics kc after Gloria  pidal anouncd shes running d  suprme court  re  open  kuratong  case  kc alam nla sure win  4 pres c lacson kya gmik c gma pidal. –09194202909;

Kung may sala tlga  c lacson  sn  mtgal n e2 tpos msydong hlta c  donya  glo  n   nmu2litika  lng cya. –09164472647; Dpat lng n  mawala  ang mga  grupong  katulad  ng kuratong, dhil sila ang mga masasamang halimbawa  ng lipunan. –09166182380;

Napunta n tlaga sa kangkungan ang mga karapatan ng mga biktima ng kb, dhil sa korupsyon at hawak sa leeg ng gobyerno ang judiciary. –09167004730; Korte Suprema sipsip k donya pidal n protek2r  ng mga kurakot at kura2ng ky tkot k sen.  ping n maaaring 2malo s knila. –09228028662;

Kua suabe  ang pagtatanggol mo kay la (c ) son pro  para  sa  mga bo-bo lang  yan  sinulat mo. Di mo ba alam kung  sino  ang mastermind ng  kuratong  si  lacson mismo kaya  nga pinatay lhat para wala sabit  ang  bobo  mo. –09272804201. (Mukhang alam niyo lahat, bakit  di ka lumantad at tumestigo  para  makatulong);

Ang mga kuratong ay mga salot sa lipunan, nagpapahayag ako ng pagsuporta sa butihing senador. –09166000261; Hndi icio ang  kuratong baleleng. Dalawa lamang  po ang tanong doon e. masamang tao ba  o mabuting tao ang kuratong baleleng? –09204220336;

Si gma ang nglgay sa knila s pwesto at ciempre natural cno ang kakampihan  nila si  lacson ba na kaaway ng amo nila. –09196582860; Kung pgbbchan ang  gnawa  ng mga  kura2ng   s  gngawa ni lacson ngyon. Aba korte suprema  maawa nman kyo s mga nbktma ng kura2ng, kay fg yata kayo  naawa. –09198152654;

Pati sc nagpapagamit na rin san k nman nkakita masamang tao n ipinagtatangol p. only in gma govt. 09194054085;  D na mganda batas ngayon, kuratong mrami pinatay pti bata pinagtatanggol pa ng btas. –09179069672;

Bkit pbbuksan uli ang kuratong  eh kriminal ang mga i2 walang ksalanan c lacson at iba pang pulis  d2 nasa tamang  posisyon cla noong gnawa nila  i2 ang  dpat btikusin d2 ay ang jose pidal dahil yan ang totoo. –09198117925.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

BAGONG TAON

KURATONG

LANG

MATEL

NILA

NINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with