^

PSN Opinyon

Hotline 966 ng PAGCOR humahabol sa 911 ng US

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HINDI ninyo muna mababasa ang ikatlong bahagi ng aking column hinggil sa pambabastos ng nagmamay-ari ng Nigi Nigi Nu Noos sa Boracay.

Patuloy namin itong iniimbestigahan at tinitingnan na rin ng Department of Tourism at Department of Labor and Employment.

Ipapatawag daw sa Maynila ang banyagang may-ari nito na si Jason Probyn at posibleng makakaharap namin ito at mga opisyales ng mga nabanggit na tanggapan.
* * *
UNTI-UNTI nang nagagamit ang hotline 966 ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), humahabol na ito sa 911 medical response ng Estados Unidos. Konting panahon pa hindi malayong mapapantayan nito ang 911.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ilang beses na silang nakatulong sa pagligtas ng mga kababayan nating may malubhang karamdaman na tinawagan ang hotline 966.

Kalimitan dito madaling-araw ang mga tawag. Inaatake ng pananakit ng dibdib ang ilan sa humingi ng saklolo sa nasabing hotline.

Napag-alaman namin na high tech ang ilan sa mga ambulansya ng PAGCOR, kumpleto sa mga kagamitan sa pagbibigay ng pangunang lunas habang isinusugod ang pasyente sa ospital.

Kamakailan lang, isa sa mga natulungan ng hotline 966 ay residente ng Quezon City. Dagliang isinugod sa East Avenue Medical Hospital ang biktimang si Simplicio Miñano, 66-anyos.

Nakaranas si Miñano ng paninikip ng dibdib at pamamaga ng buong katawan noong madaling-araw ng Oktubre 4.

Kung tutuusin out of area na ang Quezon City, malayo ang pinanggalingan ng ambulansya mula pa sa Maynila.

Matagumpay ding nailigtas ng PAGCOR medical technicians ang bikti-ma ng stroke na si Eduardo Papilla, 44-anyos. Agad itong naisugod sa pagamutan gamit ang high tech ambulansya ng PAGCOR.

Sana lumawak pa ang kakayanan ng PAGCOR hindi lang sa mga emergency medical response kundi pati na rin ang ibang emergency na bagay at makakasalba ng buhay tulad ng 911 sa Amerika.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF TOURISM

EAST AVENUE MEDICAL HOSPITAL

EDUARDO PAPILLA

ESTADOS UNIDOS

JASON PROBYN

MAYNILA

NIGI NIGI NU NOOS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with