^

PSN Opinyon

E-Card sa job-sites para sa OFWs

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HANDA na ang OWWA para tumanggap ng mga aplikante para sa Electron-card sa lahat ng OFWs sa job-sites.

Ipinaabot ni OWWA bossing Virgilio Angelo ang nasabing proyekto para sa mga Filipino Migrant Workers na nasa work sites sa ibang bansa para magkaroon sila ng E-Card upang madali ang access sa lahat ng OWWA programa at mga serbisyo nito.

Ika nga, madali nilang mapakinabangan ang tulong mula sa OWWA.

Sabi ni Angelo, ang pagbibigay ng OFW E-card ay base sa mga sumusunod:

1. Upon renewal ng OWWA membership

2. Upon registration sa ilalim ng tinatawag na Voluntary Membership Program (VMP)

3. Upon presentation of proof that OFW has remaining six months of membership effectivity.

Ang mga OFW sa job-sites ay magpi-fill up ng application forms kasama ang kanilang 2x2 picture at kanilang mga signature ilalagay nila ito sa mga designated boxes kasama ang mga requirements tulad ng OWWA official receipt of payment OWWA contribution/Certificate of Coverage o OWWA membership certificate na inisyu ng Membership Registry Division sa OWWA Main Office sa Makati City, passport o E-card application form kasama ang mga nasabing mga requirements.

Ang OWWA membership Registry sa main office ang magpapadala ng mga fully accomplished forms para sa ID reproduction.

Ang mga IDs, ay ipadadala sa mga work sites kapag natapos na ito.

Ang pagbibigay ng OWWA E-card ay libre.

Ang mga interesadong OFWs ay puwedeng magpunta sa mga Embahada ng Pinas sa abroad para sa karagdagan kaalaman.

‘‘Maganda pala ang bagong proyekto ni Angelo para sa OFWs’’ anang kuwago ng SPO-10 sa Crame.

‘‘Ginagawa lahat ng paraan ng administrasyon ni Angelo ang tulong para hindi mahirapan ang mga bagong bayani ng Pinas,’’ sagot ng kuwagong haliparot.

‘‘Dapat lang dahil ang mga OFWs ang tumutulong ng malaki sa ekonomiya ng Pinas.’’

‘‘Kaya kailangan huwag silang pahirapan at bigyan ng importansiya’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Diyan bilib ako kay Angelo, kamote.’’

ANGELO

CERTIFICATE OF COVERAGE

FILIPINO MIGRANT WORKERS

MAIN OFFICE

MAKATI CITY

MEMBERSHIP REGISTRY DIVISION

OWWA

PARA

VIRGILIO ANGELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with