^

PSN Opinyon

Rent-to-Own ng Pag-IBIG

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG programang Rent-to-Own (RTO) ng Pag-IBIG ay naglalayong matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga kababayan nating mababa ang sahod. Bukas ito sa lahat –miyembro man o hindi ng Pag-IBIG, ngunit kung ang mag-aaply ay hindi pa miyembro, kailangang magparehistro sa Pag-IBIG lalo na kung naaprubahan na ang aplikasyon sa RTO.

Sa ilalim ng RTO, pinauupahan ng Pag-IBIG ang mga bahay na pag-aari nito at sa loob ng limang taon ay maaaring bilhin ng nangungupahan ang bahay sa pamamagitan ng pagkuha ng housing loan sa Pag-IBIG Fund. Kung sakaling pagkatapos ng limang taon ng pangungupahan ay hindi pa rin binibili ng nangungupahan ang bahay at lupa, hindi na ito maaaring i-renew. Ang amilyar ng mga bahay at lupang pinauupahan sa Rent-to-Own ay obligasyong bayaran ng may-ari kaya ito ay sinasagot ng Pag-IBIG.

Hinihikayat ko ang mga interesadong kumuha ng mga units sa ilalim ng Rent-to-Own Program na tumawag sa RTO Hotline 634-8344 para sa karagdagang impormasyon at detalye. Maaari rin kayong dumalo sa regular na briefing tuwing Sabado sa Ground Floor ng Atrium Building, Makati Avenue, Makati City, kailangang dumalo kayo sa briefing bago mag-apply sa RTO.

vuukle comment

ATRIUM BUILDING

BUKAS

GROUND FLOOR

HINIHIKAYAT

IBIG

MAAARI

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

OWN PROGRAM

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with