Gusto akong busalan ni General Bulaong
August 27, 2003 | 12:00am
MAY hinanakit pala sa akin si Chief Supt. Pedro Bulaong, ang hepe ng Western Police District (WPD). Sa pakikisalamuha niya sa mga kasamahan ko sa hanapbuhay, inakusahan niya ako na below the belt na ang mga puna ko. At ayon kay General Bulaong, nagsampa siya ng six counts of libel laban sa akin sa Nueva Vizcaya. Kung sa gayon, si General Bulaong ang hepe ng WPD na nagsampa ng libel sa akin dahil sa mga batikos na lumabas dito sa espasyong ito. Hindi ako galit kay General Bulaong dahil karapatan niya yan sa ilalim ng demokrasya, di ba mga suki?
Nais ko lang linawin na hindi ako ang dapat habulin ni General Bulaong kundi ang mga malalamya niyang mga tauhan. Kasi ang mga naisulat kong sa tingin niya ay masama sa liderato niya ay wala naman akong kinalaman. Tulad ng sunud-sunod na patayan na nangyari sa Maynila nitong nagdaang mga araw, ako ba ang may kasalanan niyan? Gawa-gawa ko lang ba ang mga insidenteng yan? At sino ang tumawag na killing fields na ang Maynila dahil sa mga ambush-slaying na yan, eh di mga Manilas Finest na nakausap ko. Ngayon lang kasi naranasan ng Manilas Finest ang halos araw-araw na patayan sa Maynila sa mahabang panahon ng kanilang panunungkulan.
Dito naman sa sunud-sunod ding kaso ng extortion ng mga tauhan ni General Bulaong, eh naglabasan na sa diyaryo ang mga yan. Ginawa ko lang ang mga ito na basehan sa aking mga kolum na hindi dapat ikinagalit ni General Bulaong. Dapat ang mga station commanders ang sitahin niya dahil hindi nila nadisiplina ang kani-kanilang mga tauhan. Kaya naman palagi kong ibinubunyag ang patuloy na operasyon ng bookies sa karera ni Oscar Simbulan alyas Boy Abang at video karera ni Buboy Go ay dahil hindi umaaksiyon si General Bulaong. Eh paano niya maipaliwanag ang katotohanang hindi naman nakapaglatag ng makina si Buboy Go at ang pa-bookies naman ni Boy Abang ay gerilya ang operasyon noong hindi siya naging heneral. Noong na-promote na si General Bulaong, eh hindi na niya pinitik man lang hindi lang sina Buboy Go at Boy Abang, kundi pati ang iba pang gambling lords sa Maynila?
Paano naman ako titigil kina Buboy Go at Boy Abang eh marami ang lumalapit sa akin para ibulgar ang mga ilegal nilang operasyon, kasama na ang mga lugar kung saan namumugad ang mga video karera at pa-bookies nila. Hanggang sa ngayon, namamayani pa sina Buboy Go at Boy Abang sa mga puwesto na ibinulgar ko. Ngayon bakit ako ang sisisihin ni General Bulaong?
Tungkol naman sa pag-birthday niya sa Presidential Yatch, aba kinuha ko lang ang mga detalye ko sa isang pang-umagang pahayagan. Bakit hindi nagalit si General Bulaong doon at ako ang inupakan? Mukhang ang kolum ko lang ang binabasa ni General Bulaong ah? Nais ko lang ipahayag kay General Bulaong na sa mga unang mga buwan niya sa WPD ay panay naman ang puri ko sa mga aksiyon niya. Nitong sumesemplang na siya at ipinararating ko sa kanya ang mga pagkukulang niya hango sa mga sumbong ng mga residente at Manilas Finest, aba eh ako na ang pinagbuntungan niya ng kanyang galit.
Bilang na rin ang taon ko diyan sa WPD. Noong panahon nina Gens. Sonny Razon, Efren Fernandez at Nick Pasinos, eh kritiko rin ako sa liderato nila. Imbes na sisihin ko, inaaksiyunan nila ang mga ibinubulgar ko. Pero sa ngayon, gusto akong busalan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended