^

PSN Opinyon

Lifestyle check, wow

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
INIUTOS ni Señorita Gloria na magkaroon ng lifestyle check sa mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Ganoon din ang inutos niya kamakailan sa iba pang mga opisyal ng kanyang administrasyon.

Gaya nang naunang announcement, public pronouncement na naman ang ginawa niya rito sa huling lifestyle check.  Ginawa niya ang huling utos sa National Defense College kung saan marami ang nakakarinig at maraming sipsip ang nagpapalakpakan.

Madam  Señorita Doña Gloria  (may mga alipores kasi siya na nagagalit at bakit daw Señorita tawag ko sa kanya, bastos daw yon at walang paggalang) tiyak ang layunin n’yo ay maging dagdag na paraan ito para matulungan ang ekonomiya at kabuhayan ng bayan.

Isipin n’yo, sa ginawa ni Madam Señorita Doña Gloria (hayan super galang na po ako ha), maraming mga abandonadong apartment o bahay na walang umuupa ang ngayo’y mapupuno  na ng mga matataas na opisyal na tiyak ay nagmamadali ng lumipat mula sa kanilang mga mala-Palasyong bahay.

Yung mga iniwan pansamantala na Palasyo ay patitirhan muna sa mga biglang yumamang magulang, kapatid, kamag-anak at kasabwat o kakutsaba.

Di lang nila puwedeng iwanang walang nakatira kasi baka mataniman  ng arm band ng Magdalo o di kaya‚ mga baril at bala.  There  is no more honor among thieves. Tandaan n’yo, ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw, lalo na kung karibal hindi lang sa puwesto kundi maging sa mga GRO.

Mga Expedition, Land Cruiser, Pajero, Benz, BMW,  Volvo  at kung anu-ano pang magagarang sasakyan naman ay pansamantalang ipatatago rin sa mga mayamang magulang, kapatid, kamag-anak at mga kasabwat sa pangungurakot na mga supplier, contractor, financier at smuggler, puwera lang ang mga drug lord at jueteng lord kasi mainit sila ngayon.

Kikita rin ang mga dealer ng second hand car, tiyak mabili ngayon ang mga lumang Toyota, Nissan, Mitsubishi, Honda at iba pa.

Mga Kumander, tiis lang ng konti, pag may bagong issue na, lalamig din ‘yan at balik kayo sa komportableng sasakyan.  Kung gusto n’yo naman, mga lumang van ang pabili n’yo, sa dami naman na naghirap sa ekonomiya ni Madam Señorita Doña Gloria, maraming second hand pero slightly used niyan.

Kung hindi naman, yung mga na-recover na carnap vehicle, gamitin  n’yo muna, tutal dati n’yo nang ginagawa yan.

Kita n’yo na, ang galing talaga ni Madam Señorita Doña Gloria dadami ngayon ang makikinabang sa mga nakaw na yaman.  Kesa yung mga alipores lang ni Madam Señorita Doña Gloria ang nabubuhay ng masarap at marangya, kahit konti ay maaanggihan ang iba.  Kita n’yo, Spread the Sunshine.

Tsaka kabutihan pa nito, matutuwa rin ang Cardinal Sin, dati kasi mga GRO, Classmates, Best Friend, Student at Trainee lang ang nakikinabang, ngayon nadaragdagan pa. Bakit nga naman hindi unahin ang sariling kamag-anak? Charity begins at home.

Yung mga kamag-anak at kababayan pang galing sa probinsiya ay palilipatin din sa Maynila, gagawing katiwala ng mga mansion, kita n’yo may trabaho pa na nagawa.  Yun namang ayaw magtagal sa Maynila, puwedeng lumuwas at mamalagi lang ng ilang buwan habang mainit pa ang taumbayan. Kita n’yo promoted pa ang domestic tourism.  Huwag maging dayuhan sa sariling bayan.

Pero ang pinakamaganda ay maglalabasan ang pera sa bangko at ililipat, baka kasi makita ang mga bank account at ibang dollar account pa.

Tataas din ang presyo ng vault at lalaki  ang benta, sayang nga lang at walang  local. Sa kanya-kanyang bahay  na lang magtatago ng nakaw  na yaman o  kaya’y sa  sariling opisina, gaya ni Ginoong Bigtime na nagpabili  ng  vault na six feet tall. Daming perang kasya.

Ganoon kalaking vault din ang kailangan ng isang mambabatas galing sa Mindanao na ang mga mansion ay nagkalat sa Baguio, Tagaytay, Batangas, Makati, Mindanao  at puwera pa ang mga condominium unit sa Maynila at Makati. Ang deposito niyang kailangang ilipat o baka nalipat na dahil tiyak nasabihan ng Malacañang kasi super SIPSIP siya, ay  may lamang mga P500 milyon.

Okay hindi ba, pero may konting pakiusap ang alipin n’yong ito Madam Señorita Doña Gloria kung inyong mamarapatin (galang ko na  po ha) sana lang po  ay lahat nang aalis sa airport ay inspeksyunin ng husto ang bag, kahit  ho pamilya n’yo.  Takot lang natin baka dumami ang MAHIWAGANG BAG at ang matuwa ay Hong Kong.

Sabagay sa Hong Kong baka matuwa ang mga  domestic helper (botante na yata sila kaya  dapat alagaan) natin kasi ang iba sa kanila ay  naaabutan ng barya  para mag-picket sa kalaban nina Ginoong Big Time lalo na kung kasama niya si Vicky.  Sweet sweet  nga nila, pero ibang kuwento yan, abangan n’yo at malapit  na.

Kaya  hayan, ano bilib na kayo, uunlad ang ekonomiya natin at gaganda ang  kabuhayan  nila. Yehey!!!
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y mag-text o tumawag sa  09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

HONG KONG

KITA

LANG

MADAM SE

MAYNILA

NTILDE

ORITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with