Imbestigasyon sa mutineers,bilisan
August 7, 2003 | 12:00am
BAKA mabulilyaso ang pagtuon sa kaso ng nabigong mutiny dahil sa pakikipag-unahan sa pag-iimbestiga ng mga senador at congressmen. Nagtataka ako kung bakit pumapapel na naman ang mga pulitiko sa bagay na ito. Dapat ay hayaan na lamang na hawakan ng independent commission na binuo ni GMA. Magkaroon sana ng delicadeza ang mga senador lalo nat isang kasamahan nila ang sangkot sa pag-aaklas. Lalo nang walang K ang Kongreso na makialam sa kasong ito sapagkat laos na ang kanilang palusot na "in aid of legislation".
Kailangang mapabilis ang imbestigasyon sa mga nagrebeldeng sundalo upang malaman ang ugat. Pagtuunan ng pansin ni GMA ang mga hinaing ng mga rebelde tungkol sa katiwalian ng ilang AFP officials.
Inakusahan ang AFP officials na nagbebenta ng mga bala at armas sa MILF at Abu Sayyaf. May mga yumayaman na opisyal dahil sa graft and corruption.
Magpuputok talaga ang butse ng mga junior officers sapagkat nakikita nila na maraming AFP officials, maski mga retirado na, na mansion ang mga bahay at may magagarang mga sasakyan na nakatira sa mga exclusive villages. Samantalang ang mga sundalo ay hindi man lamang makatira sa mga bahay sa loob ng kampo na nakalaan para sa kanila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am