^

PSN Opinyon

1 pang AFP official magbibitiw dahil sa coup attempt

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang isa pang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagbabalak na mag-resign?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Prof. Nenita Papa ng Lyceum of the Philippines, Aling Lydia de Roca ng Lydia’s Lechon, Boy Nakpil at Mike Sandig, Exec. Vice-President ng PNB.

Happy 15th anniversary naman kina Maj. Gen. Alberto Braganza at sa mga officers and men ng 7th Infantry Division ng Philippine Army.
* * *
Alam n’yo bang nagbabalak nang mag-ala Brig. Gen. Victor Corpus ang isa pang opisyal ng AFP dahil sa nangyaring coup attempt?

Ayon sa aking bubuwit, napahiya ang nasabing opisyal dahil marami sa kanyang mga tauhan ang lumahok sa pagsakop sa Oakwood Hotel noong Linggo.

Nang mapabalita kasi na may tangkang mag-alsa ang mga rebeldeng sundalo na kinabibilangan ng PMA Class 1994 at 1995, tiniyak ng naturang opisyal sa kanyang mga officers na hindi lalahok ang kanyang mga tauhan.

Nagulat na lamang siya nang lumitaw ang marami sa kanyang mga junior officers at mga tauhan ay lider pa pala sa naturang coup attempt.

Tinatayang 76 na tauhan niya ang lumahok sa coup attempt.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang ilang mga officers and men ng nasabing opisyal ng lumahok sa coup attempt ay mga miyembro ng Special Warfare Group (SWAG) sa ilalim ng Philippine Navy.

Ang mga ito ay sina Ltsgs. Antonio Trillanes IV, James Layug, bomb expert at si Eugene Gonzales ng PMA Marilag Class ’95.

Dahil napahiya ang nasabing opisyal, bilang officer and a gentlemen, binabalak na niyang magresign bilang commander ng SWAG tulad sa ginawa ni Corpus.

Si Corpus ay inakusahan ng mga rebel soldiers na sangkot diumano sa pambobomba sa Davao International Airport at sa Sasa Wharf sa Davao City na ikinamatay ng ilang katao.

Ang kaibahan lamang ng opisyal na ito kay Corpus, walang masamang akusasyon sa kanya ng mga tauhan nito sa SWAG.

Ang nasabing opisyal ay humihingi na rin ng payo sa kanyang mga mistah at mga opisyal sa Philippine Navy kung tuluyan na siyang magbibitiw sa tungkulin o hindi.

Ayon sa aking bubuwit, ang AFP official na nagbabalak na rin umanong mag-resign dahil sa paglahok ng kanyang mga tauhan sa tangkang kudeta ay si…

Lt. Comdr. Rosauro Sarmiento, Commander ng SWAG ng Philippine Navy.

ALBERTO BRAGANZA

ALING LYDIA

ANTONIO TRILLANES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BOY NAKPIL

OPISYAL

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with