^

PSN Opinyon

DTI "kayod marino"

- Al G. Pedroche -
MALAKING perhuwisyo ang idinulot ng nabigong coup d’etat sa ekonomiya. "Kayod marino" ang Department of Trade and Industry sa pagpawi sa pangamba ng mga dayuhan at lokal na mamumuhunan hinggil sa katatagan ng investment climate sa bansa.

Iyan ang hindi natatanto ng mga batang sundalo. Gusto nila ng reporma, okay iyan. Pero sa diskarteng ginagawa nila’y taumbayan ang pinahihirapan.

Nagsagawa ng security briefing si DTI Secretary Mar Roxas sa mga negosyanteng dayuhan upang tiyakin na ang nangyaring mutiny ay kontrolado ng pamahalaan at walang masamang epekto sa pamumuhunan.

Mga kilalang lokal na negosyante ang nagsidalo sa briefing tulad nina Ricardo Romulo at Guillermo Luz ng Makati Business Club, Vivien Yuchengco ng Philippine Stock Exchange, Sergio Ortiz -Luis ng PhilExport, Donald Dee ng Employers Confederation of the Philippines at mga kinatawan ng negosyo mula sa USA, Australia, New Zealand, Canada, Japan at Korea.

Buti na lang at kumbinsido ang mga negosyante na ang sitwasyon sa Pilipinas ay under control at walang masamang epekto dahil ito’y madaling nalutas nang walang dumanak na dugo.

Ang problema’y nananatiling nakataas ang state of rebellion. Ibig sabihi’y naririyan pa rin at kukuyakuyako’y ang panganib na baka magkaroon ng part 2 ang kudeta. Sana’y huwag na. Iyan ang taimtim nating ipanalangin.

Sana’y matauhan ang mga kabataang opisyal na militar. Hindi matatamo ang repormang hangad nila sa pamamagitan ng dahas. Bagkus, lalo lamang nilang palulubhain ang masama nang kalagayan ng bansa.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DONALD DEE

EMPLOYERS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

GUILLERMO LUZ

IYAN

MAKATI BUSINESS CLUB

NEW ZEALAND

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

RICARDO ROMULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with