Mayor Eduardo Alarilla, tandaan ang pikon ay laging talo
August 1, 2003 | 12:00am
HINDI na bago sa aming investigative team sa TV, ang BITAG, ang maka-engkuwentro ng mga balat-sibuyas na pulitiko.
Nasisira ang kanilang kamada, (porma) sa harap ng aming kamera. Hindi nila kontrolado ang kanilang sarili. Madali kasing uminit ang ulo.
Hindi makayanan ang aming estilo sa paghanap ng agarang solusyon sa problema. Nagkakaroon tuloy ng panibagong problema. Ang dahilan, naha-"high blood" na pala yung kenkoy na pulitiko.
Ganito ang nangyari sa unang paghaharap ng BITAG at ng alkalde ng Meycauayan Bulacan nung araw ng State of the Nation Address (SONA) ni President GMA.
Dineklera raw ni Mayor Eduardo Alarilla na holiday nung a bente-otso kaya walang pasok ang munisipyo. Sa tulong ng kanyang hepe, nakipagkita sa amin si Alarilla sa isang lugar na parang bilihan ng mga construction materials.
Ewan namin kung pag-aari ito ni Mayor Alarilla dahil inabutan namin siyang nagbabantay na parang construction foreman na naka-upo sa isang mesa sa labas.
Dahilan ni Mayor, maging ang kanyang hepe na si Colonel Eduardo De Leon sa amin, inabutan lang nila ang grupong inirereklamo na nagdadala ng pangalang B.I.T.A.G.
Walang patid, isa-isa naming ipinaalam sa kanya ang reklamo laban sa grupong ito na may lungga sa harap mismo ng munisipyo. Sa puntong ito, pakiwari nitong alkaldeng kenkoy na tinataasan ko siya ng boses.
Aniya, "Ayaw kong tinataasan ako ng boses ". Ito naman ang balik ko sa kanya, "Mayor, are you angry at me or are you angry at the situation".
Dito nahimasmasan si Alarilla. Sabay kambyo "Ikaw dyan ang galit sa akin ". Bago pa man lumala ang sitwasyon at mauwi sa mainit na pagtatalo, ako na ang umiwas hanggat kaya ko magpigil. Samantala, tuloy pa rin si Mayor sa kanyang pag-aalboroto.
Nung bigla akong tumayo habang nagpupuputak pa si Mayor, nagkanya-kanyang puwesto ang kanyang apat na security back-up ni Mayor sa pag-aakalang itataob ko yung mesa. Nagkindatan na lang ang aking mga close-in security sa pangyayari.
Puwes, hindi nangyari ang kanilang akala dahil inabot ko ang aking kamay kay Mayor. Hudyat na ang pagtatapos ng aming usapan.
May pahabol pa si Mayor, aniya, "Mga kapatid mo nga kaibigan ko eh". Hindi ko na inaksaya ang aking panahon dahil alam kong walang magiging solusyon sa problema. Nabasa ko na ang pagka-alkalde ni Alarilla.
Patuloy na magmamanman ang aming grupong BITAG sa Meycauayan. Mensahe namin kay Mayor Alarilla, "Ang pikon ay laging talo"
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310 /932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.
Nasisira ang kanilang kamada, (porma) sa harap ng aming kamera. Hindi nila kontrolado ang kanilang sarili. Madali kasing uminit ang ulo.
Hindi makayanan ang aming estilo sa paghanap ng agarang solusyon sa problema. Nagkakaroon tuloy ng panibagong problema. Ang dahilan, naha-"high blood" na pala yung kenkoy na pulitiko.
Ganito ang nangyari sa unang paghaharap ng BITAG at ng alkalde ng Meycauayan Bulacan nung araw ng State of the Nation Address (SONA) ni President GMA.
Dineklera raw ni Mayor Eduardo Alarilla na holiday nung a bente-otso kaya walang pasok ang munisipyo. Sa tulong ng kanyang hepe, nakipagkita sa amin si Alarilla sa isang lugar na parang bilihan ng mga construction materials.
Ewan namin kung pag-aari ito ni Mayor Alarilla dahil inabutan namin siyang nagbabantay na parang construction foreman na naka-upo sa isang mesa sa labas.
Dahilan ni Mayor, maging ang kanyang hepe na si Colonel Eduardo De Leon sa amin, inabutan lang nila ang grupong inirereklamo na nagdadala ng pangalang B.I.T.A.G.
Walang patid, isa-isa naming ipinaalam sa kanya ang reklamo laban sa grupong ito na may lungga sa harap mismo ng munisipyo. Sa puntong ito, pakiwari nitong alkaldeng kenkoy na tinataasan ko siya ng boses.
Aniya, "Ayaw kong tinataasan ako ng boses ". Ito naman ang balik ko sa kanya, "Mayor, are you angry at me or are you angry at the situation".
Dito nahimasmasan si Alarilla. Sabay kambyo "Ikaw dyan ang galit sa akin ". Bago pa man lumala ang sitwasyon at mauwi sa mainit na pagtatalo, ako na ang umiwas hanggat kaya ko magpigil. Samantala, tuloy pa rin si Mayor sa kanyang pag-aalboroto.
Nung bigla akong tumayo habang nagpupuputak pa si Mayor, nagkanya-kanyang puwesto ang kanyang apat na security back-up ni Mayor sa pag-aakalang itataob ko yung mesa. Nagkindatan na lang ang aking mga close-in security sa pangyayari.
Puwes, hindi nangyari ang kanilang akala dahil inabot ko ang aking kamay kay Mayor. Hudyat na ang pagtatapos ng aming usapan.
May pahabol pa si Mayor, aniya, "Mga kapatid mo nga kaibigan ko eh". Hindi ko na inaksaya ang aking panahon dahil alam kong walang magiging solusyon sa problema. Nabasa ko na ang pagka-alkalde ni Alarilla.
Patuloy na magmamanman ang aming grupong BITAG sa Meycauayan. Mensahe namin kay Mayor Alarilla, "Ang pikon ay laging talo"
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended