^

PSN Opinyon

Midnight appointments ni Mayor

IKAW ANG BATAS - Jose C. Sison -
SA isang bayan sa Quezon, natalo ang mayor nang muli itong tumakbo noong Mayo 11, 1995. Sa loob ng 27 na araw matapos ang nasabing eleksyon, naghirang siya ng 14 na tao sa bakanteng posisyon sa kanilang munisipalidad. Ang nasabing 14 appointments ay napagkasunduan lamang ng dalawang miting kasama ang Personnel Selection Board na pinangunahan din ng nasabing mayor. Naghirang ang mayor ng dalawang empleyado noong Hunyo 1, 1995, isa noong Hunyo 16, 1995 at 11 empleyado noong Hunyo 27, 1995 o tatlong araw bago siya umalis sa puwesto. Ang mga appointments na ito ay pinagtibay ng Head ng Civil Service Commission (CSC) Field Office. At pagkatapos nito ay ginampanan na ng mga appointees ang kanilang posisyon bago pa dumating ang bagong mayor.

Nang umupo na ang bagong mayor, una niyang opisyal na akto ay ang mag-isyu ng Office Order at hilingin sa CSC na bawiin ang ginawang paghirang sa 14 na empleyado nang walang prior notice and hearing. Ayon sa kanya, ang paghirang daw na ito ay "midnight appointments" na ipinagbabawal ng Art. 7 Sek. 15 ng Konstitusyon kung saan ang Presidente ay hindi dapat magsagawa ng appointments dalawang buwan bago ang eleksyon ng presidente hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino, maliban na lamang sa temporary appointments.

Hindi pinagbigyan ng CSC ang kahilingan ng bagong mayor. Ayon sa CSC, ang appointments ay naaayon sa batas. Epektibo raw ito at hindi mababawi dahil pinagtibay na ito ng Head ng CSC at ang mga hinirang ay nagsimula nang gampanan ang kanilang posisyon. Bukod pa rito, ang sinasabing "midnight appointments" ay tumutukoy lamang sa mga appointments ng isang presidente at hindi mga appointments ng lokal na opisyal. Kaya ang dating mayor ay maaaring maghirang ng mga appointees na kuwalipikado hanggang sa katapusan ng kanyang termino. Tama ba ang CSC?

TAMA
.
Ang "midnight appointments" na ipinagbabawal ng Konstitusyon ay tumutukoy lamang sa mga presidential appointees. Walang batas na nagbabawal sa mga lokal na opisyal na maghirang sa mga nalalabing araw ng kanilang termino.

Ang 14 na empleyado ay may legal at makatarungang karapatan. Mababawi lamang ang kanilang posisyon sa legal na dahilan at kung may notice at hearing. Ang karapatang ito ay protektado ng batas at ng Konstitusyon. (De Rama vs. Court of Appeals, G.R. 131136, February 28, 2001)

APPOINTMENTS

AYON

CIVIL SERVICE COMMISSION

COURT OF APPEALS

DE RAMA

FIELD OFFICE

HUNYO

KONSTITUSYON

MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with