Bagsik ng Al Qaeda group, mararamdaman sa RP
July 3, 2003 | 12:00am
MATINDI ang inihandang security measures ng Bureau of Immigration sa NAIA, gusto nilang sorpresahin ang mga gagong teroristang papasok sa Pinas para maghasik ng lagim.
Nakatanggap ng impormasyon si BI Commissioner Didi Domingo galing US of A, may grupo ng Middle East looking people daw ang darating sa Pinas para manabotahe.
Gagamit sila ng pekeng European passport kapag nagbalak silang pumasok sa bansa.
Ang hindi alam ng mga tarantadong terorista ay welcome silang lahat sa Pinas, with matching VIP treatment pa.
Sa airport pa lang ay sasalubungin na sila ng mga may-ari ng funeral parlor para malaman nila agad kung anong klaseng coffins ang kanilang gagamitin.
Ang problema lang natin ay kung papayagan ng PNP na pagsaklaan ang mga mamamatay na terorista, he-he-he!
Masyado kasing minamaliit ng mga terorista ang Noypi hindi nila alam na mas matalino tayo sa kanila kahit saang laban.
Pusoy, tong-its, piko, sakla, jueteng, etcetera, hindi natin sila uurungan at tiyak hindi sila mananalo. Wanna bet!
Iba ang Noypi, mas magulang sa pinaka-magulang!
Nakahanda ang Immigration sa airport, hindi na sila natutulog sa paniniktik sa mga gagong papasok.
Hindi na yata umuuwi si Ferdie Sampol, BI head supervisor, sa kanyang pamilya. Ayaw kasi ni Sampol na matsambahan sila.
"Bakit ba sa Pinas, yata magko-concentrate ang mga terrorists?" tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Ang alam nila ay wala tayong kakayahan para tiktikan sila," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
"May magagawa ba tayo kung babanat sila?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Masyado mo namang minamaliit ang intelihensiya, este mali, ang intelligence community natin."
"Ano ang gusto mong palabasin?"
"Pinaaalala ko lang na baka lalo tayong makamote oras na umatake sila!"
"Iyan ang abangan natin!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest