^

PSN Opinyon

Circus vs droga

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
SANA nga ay seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo sa drugs. Nakikita kasi ng taumbayan na para bang palabas lamang ang ginagawang pakikidigma sa problema ng droga.

Ano ba ang paliwanag ni GMA na ang Philippine Drug Enforcement Agency ay kulang sa budget kung kaya’t hindi nito maipatupad ang tunay nilang hangarin upang epektibong masupil ang paglawak ng droga. Ang PDEA ay itinatag upang siyang tanging ahensiya ng gobyerno na managot sa problemang ito ngunit hindi ito nabibigyan ng karapat-dapat na pondo at suporta ng pamahalaan.

Ayon sa mga balita, dapat sana ay may itinalagang P100 milyon ngunit P50 milyon lamang ang inilaan sa PDEA. Inamin ng mga taga-PDEA na kulang na kulang ito sa pangangailangan nila. Dapat ay alam ng kinauukulan na magiging inutil ang PDEA sa sindikato kung hikahos ang ahensiya sa pondo.

Hindi lamang ito ang problema ng PDEA. Hahaluan pa ito ng panggugulo ng ilang pinuno na sa halip na tulungan ay pinahihina pa ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagtatalaga ng ibang mga opisyal. Nakakasira ito sa moral at kalooban ng mga taga-PDEA.

Nagmukhang tanga ang Malacañang sa biglang pag-urong sa pagtatalaga kina Sen. Robert Barbers, dating Mayor Alfredo Lim at mga retired police officers na sina Capt. Jaylo at Maj. Margallo. Natauhan din si GMA. Kung hindi, malas na lang sana ang mangyayari sa kampanya laban sa droga. Gen. Anselmo Avenido, ikaw naman ang magpakita ng iyong alas.

ANO

ANSELMO AVENIDO

AYON

CAPT

DAPAT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

HAHALUAN

INAMIN

MAYOR ALFREDO LIM

ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with