Nasa surveillance list na namin ang grupong katunog ng pangalan ng "BITAG" sa Meycauayan!
June 23, 2003 | 12:00am
NAKAABOT sa amin ang mga reklamo hinggil sa umanoy isang grupong kinatatakutan sa may Meycauayan Bulacan na ang pangalan ay katunog ng aming investigative team sa TV ang BITAG.
Communication group daw ang mga ito na tumutulong sa traffic ng local na pamahalaan ng Meycauayan at mga naka-motorsiklo.
Sa mga reklamo na aming natanggap, sa text messages, tawag sa telepono mula sa mga estudyante sa kolehiyo at concern citizens, nagdadala pa raw ng mga baril ang mga ito.
Kaya agad kumilos ang aming BITAG investigative team sa TV nitong nakaraang Biyernes upang makita ang grupong katunog ng pangalan namin at alamin ang uri ng kanilang aktibidades.
Nag-aalala kami na baka lingid sa aming kaalaman nagagamit na ang pangalan ng aming investigative team sa TV ang BITAG.
Sa kanilang maliit na opisina, kapansin-pansin ang aming half page advertisement ng BITAG sa TV na lumalabas sa Pilipino Star NGAYON tuwing Biyernes, nakapaskil sa kanilang dingding.
Katabi ng aming BITAG advertisement, ay cut out ng aking mga kolum, nakapaskil sa kanilang dingding katabi ng litrato ng kanilang mga miyembro.
Nakita ko rin ang isang sombrero (baseball cap) na nakasabit sa dingding, may tatak na PNP-BITAG. Ang logo, kahalintulad mismo sa aming BITAG sa TV.
Para sa kaalaman ng lahat, maaring may katunog na pangalan ang BITAG sa mga probinsiya. Wala kaming kinalaman sa kanilang mga pinaggagagawa.
Wala kaming kasama o kasaping grupo sa anumang probinsiya. Sakaling may alam kayong mga kaduda-dudang aktibidades ng mga ito, huwag kayong mag-atubiling ipaabot agad sa aming grupo, kami na ang bahala!
Sinisiguro lang namin na hindi nagagamit ninuman ang aming pinangangalagaang pangalan ang BITAG na napapanood ninyo sa telebisyon at nababasa nyo sa diyaryo ng PM (Pang-Masa).
Mensahe sa grupo na katunog ng aming pangalan, ngayong alam na namin, kuwedaw na kayo!
Malimit namin sinasabi ang mga salitang ito, kapag walang nagrereklamo walang mabibisto. Kapag walang nagsasalita walang makakaalam.
Kilala na namin kayo ngayon. Salamat sa mga tips at sumbong mula sa mga estudyante at concern citizens, kung hindi dahil sa kanila hindi namin malalaman.
Huwag kayong pahuhuli sa BITAG ng aming surveillance camera, maaktuhan kayong nagdadala ng mga baril habang nag-eeskort lang naman kayo ng mga ililibing papuntang sementeryo.
Patuloy kaming magmamanman.Mararamdaman ninyo ang kamandag ng tunay na BITAG sa mismong balwarte ninyo.
Para sa mga tips, reklamot katiwalian, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang BITAG sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.
Communication group daw ang mga ito na tumutulong sa traffic ng local na pamahalaan ng Meycauayan at mga naka-motorsiklo.
Sa mga reklamo na aming natanggap, sa text messages, tawag sa telepono mula sa mga estudyante sa kolehiyo at concern citizens, nagdadala pa raw ng mga baril ang mga ito.
Kaya agad kumilos ang aming BITAG investigative team sa TV nitong nakaraang Biyernes upang makita ang grupong katunog ng pangalan namin at alamin ang uri ng kanilang aktibidades.
Nag-aalala kami na baka lingid sa aming kaalaman nagagamit na ang pangalan ng aming investigative team sa TV ang BITAG.
Sa kanilang maliit na opisina, kapansin-pansin ang aming half page advertisement ng BITAG sa TV na lumalabas sa Pilipino Star NGAYON tuwing Biyernes, nakapaskil sa kanilang dingding.
Katabi ng aming BITAG advertisement, ay cut out ng aking mga kolum, nakapaskil sa kanilang dingding katabi ng litrato ng kanilang mga miyembro.
Nakita ko rin ang isang sombrero (baseball cap) na nakasabit sa dingding, may tatak na PNP-BITAG. Ang logo, kahalintulad mismo sa aming BITAG sa TV.
Wala kaming kasama o kasaping grupo sa anumang probinsiya. Sakaling may alam kayong mga kaduda-dudang aktibidades ng mga ito, huwag kayong mag-atubiling ipaabot agad sa aming grupo, kami na ang bahala!
Sinisiguro lang namin na hindi nagagamit ninuman ang aming pinangangalagaang pangalan ang BITAG na napapanood ninyo sa telebisyon at nababasa nyo sa diyaryo ng PM (Pang-Masa).
Mensahe sa grupo na katunog ng aming pangalan, ngayong alam na namin, kuwedaw na kayo!
Malimit namin sinasabi ang mga salitang ito, kapag walang nagrereklamo walang mabibisto. Kapag walang nagsasalita walang makakaalam.
Kilala na namin kayo ngayon. Salamat sa mga tips at sumbong mula sa mga estudyante at concern citizens, kung hindi dahil sa kanila hindi namin malalaman.
Huwag kayong pahuhuli sa BITAG ng aming surveillance camera, maaktuhan kayong nagdadala ng mga baril habang nag-eeskort lang naman kayo ng mga ililibing papuntang sementeryo.
Patuloy kaming magmamanman.Mararamdaman ninyo ang kamandag ng tunay na BITAG sa mismong balwarte ninyo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended