Sibakan na sa Philpost; GMAs Japan visit umani
June 9, 2003 | 12:00am
SAMPAL sa mukha ng Japanese envoy na nagsabing peligrosong bansa ang Pilipinas at hindi siya makatulog sa gabi sa matinding pangamba. Obviously, kakaiba ang kabuuang pananaw ng pamahalaan ng Japan pati mga negosyanteng Hapones sa Pilipinas. Tagumpay ang pagbisita ni Presidente Arroyo sa naturang bansa. Ayon kay Trade Secretary Mar Roxas, siniguro sa kanya ni Japan Minister of Economy Takeo Hiranhuma na ikinukonsidera ng Japan ang RP bilang importanteng trade partner lalo na sa larangan ng human resources. Katunayan, dahil sa pagdalaw na ito ng Pangulo, ang mga malalaking Japanese car manufacturers tulad ng Honda at Mitsubishi ay magsasagawa ng expansion program sa bansa.
May memo circular daw si PostGen Diomedio Villanueva ng PHILPOST. Inoobliga ang mga casuals na kumuha ng pagsusulit. Ang babagsak, talsik! Yung mga high school graduate at nakatapos lang ng vocational course ay hindi makakukuha ng exam. Tanging mga college graduate o nakatuntong man lang ng second year sa kolehiyo ang ubrang umeksamen. Yung meron lang 72 units sa kolehiyo pero lampas na sa edad kuwarenta ay awtomatikong tanggal. Sinulatan tayo ng mga casual employees ng Philpost upang ipaabot ang kanilang karaingan. Anila, ang iba sa kanilay bumilang na ng maraming taon sa serbisyo, casual pa rin. Tsk, tsk, paanong aasahan ang mga pribadong kompanya na sumunod sa labor law kung sa gobyerno mismoy nalalabag ito?
Okay na ireporma ang Philpost. Pero bayaan namang makakuha ng pagsusulit ang lahat. Hindi komo mababa ang pinag-aralan ay walang kakayahan ang isang empleyado. May mga kawaning undergrad na mas episyente pa kaysa may natapos. At hindi naman marahil aabot ng dekada sa serbisyo ang kawani kung walang kakayahan. Ang dapat silipin ni PostGen ay yung mga tiwaling kawani na nandurugas ng mga sulat sa pagbabakasakaling may perang nakapaloob sa mga tseke. Busisiin yung mga Philpost officials and employees na notorious sa panghihingi ng tong sa Postal Customs at lagay mula sa mga may negosyo sa post office. Yung mga may kasong sexual harassment at iba pang asunto ng katiwalian. Sila ang dapat sibakin at pag-usigin upang mapagbayaran ang kanilang mga atraso sa bayan.
Pero hinay-hinay po PostGen sa pagsibak at baka pati yung mga tapat at napapakinabangan sa serbisyo ay madamay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am