^

PSN Opinyon

Buwelta ng mga kuwago sa spokesman ng DFA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SINAGOT ni G. Victoriano Lecaros, spokesman ng Dept. of Foreign Affairs ang dalawang kolum natin kaugnay sa "RP diplomat kumita kay Saddam". Unfair daw para kay Madame Grace Escalante, ang kolum ng mga kuwago ng ORA MISMO at ipinaliwanag niya ang operasyon ng Oil-for-Food Program na ipinatutupad ng United Nations sa Iraq sa panahon ni Saddam.

Wala tayong away sa ibinigay na impormasyon ni G. Lecaros. Sa katunayan, nauna pa rito, isang Maribel Carandang ang umamin sa pamamagitan ng kolum sa isang malaking broadsheet na ang grupo umano niya ang nakakuha ng oil allocation sa pamahalaan ni Saddam at hindi si Madame Escalante. Isang milyong bariles lang daw at hindi limang milyong bariles ang kanyang nakuha.

Maganda sigurong imbestigahan nina G. Lecaros kung ano ang relasyon nina Escalante at Carandang. Ayon kasi sa mga kuwago ng ORA MISMO, magkasama sila sa negosyo, bagaman siyempre wala sa papel ang kanilang relasyon.

Totoo na hindi basta-basta nagbibigay ang barkadahang Saddam ng oil allocation kung kani-kanino lamang. Para sa kanila, ito ay isang political act. Ang binibigyan lamang nila ay ang kakampi nila sa pulitika.

Ganito ba ang status ng grupo ni Carandang? O kaya naman, nakakuha ng langis ang grupong ito dahil sa ang naglakad ay si Escalante at upang makuha niya ito ay nagpakita siya ng kakaibang pagkiling sa rehimen ng diktador?

Di ba’t napagalitan siya umano mismo ni Prez Gloria dahil sa kanyang pro-Saddam na statement sa telebisyon habang ginigiyera ni Bush si Saddam?

Nabalitaan din natin na may isang mas malaking grupo ng mga negosyanteng Noypi na gustong makapasok sa Iraq ang nagreklamo dahil may favoritism daw ang Madame sa grupo ng kanyang kaibigan laban sa mas malaking grupo na siyang unang tumugon sa pagsisikap ni dating Ambassador Reynaldo Parungao na lumahok ang Pilipinas sa Oil-for-Food Program.

Dapat interbyuhin natin si Ambassador Parungao na matalik nating kaibigan!

Ang pinagsususpetsahan ni Escalante na nagbibigay sa atin ng impormasyon ay ang kanyang staff. Inaway at pinagalitan niya umano ang mga ito?

Pero magbibigay ulit tayo ng isang tagpo sa nangyari sa embahada ng Pilipinas sa Jordan na hindi nasaksihan o narinig ng sinumang staff ni Escalante na noon ay nasa Jordan, papauwi na ng Pilipinas. Eto ang eksena:

Nasa telepono ang Madame sa 2nd floor ng embahada. Naglo-long distance sa Maynila. Hindi nagre-report tungkol sa kalagayan ng mga Noypi dahil malapit nang pumutok ang giyera noon. Tumatawad ng bahay sa UP Village, hindi naman gaano kamahalan dahil ang tawad niya ay P1.8 million lang.

"Anong mali dito?" tanong ng kuwagong urot.

"Wala!" anang kuwagong sepulturero.

"Ang ibig sabihin nito ay kahit sa Jordan ay may mga kuwago ng ORA MISMO, tayong malalaki ang mata at matatalas ang pandinig!" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Hindi natin sinasabi na galing sa langis ni Saddam ang pera. Malay natin, galing sa lehitimong housing loan ang pera?"

Pero ang tanong – sa tensyong kinakaharap nila noong panahong iyon, kung ako ang nasa kalagayan nila, maiisip ko pa kaya ang tumawad ng bahay kesa makauwi nang maayos at matiwasay? Uuwi muna ako bago maghanap ng bagong bahay.

Ang punto natin dito ay dapat pag-isipang mabuti ng DFA kung pababalikin si Escalante sa Iraq muli. Unang-una, kontra siya sa giyera laban kay Saddam. Pangalawa, kung totoo ang reklamong favoritism sa kanya, mahirap ito pagkat sa muling pagbubukas ng Iraq sa reconstruction nito, dapat ay ibukas sa lahat ang oportunidad. Mahirap kung merong pinapaborang grupo na kung baga ay "embedded" sa mga opisyal ng ating embahada.

AMBASSADOR PARUNGAO

AMBASSADOR REYNALDO PARUNGAO

CARANDANG

ESCALANTE

FOOD PROGRAM

FOREIGN AFFAIRS

PILIPINAS

SADDAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with