Singil na $550-M ng Piatco, abuso
May 16, 2003 | 12:00am
GARAPAL talaga itong paksiyon ng Chengs sa Piatco (na minumura at pinagbabantaan ako sa e-mail tuwing sumusulat ako tungkol sa kanila). Nang sabihin ng Malacañang na babayaran ng gobyerno ang lehitimong ginasta sa pagtatayo ng NAIA Terminal-3, hirit agad ng spokesman ng Chengs na bigyan sila ng $550 milyon.
Ano siya, hilo? Tumaas nang $550 milyon ang nagasta ng Piatco sa NAIA-3 dahil sa pangungurakot ng Chengs. Lumantad ito sa inquiry ng Senado. Dapat ay $350 milyon lang ang construction. Naging mas mahal nang $200 milyon dahil sa overpricing ng supplies at iba pang anomalya.
Halimbawa, bumili ang Chengs ng generator na underpowered at second-hand. Labag na nga sa specifications, mahal pa. Nang i-test run ang generator, sumabog. Kinuripot din ng Chengs ang suppliers ng air-conditioning at fire sprinkler. Imbis na anim na giant air-cons, isa lang ang kinuha, pero sa mas mataas na halaga. Kung masira ito, iinit parang pugon sa buong NAIA-3. Isang sprinkler system din ang ikinabit, imbes na marami sa bawat section ng malaking complex. Kung nagkasunog sa isang sulong, buong airport ay uulanin ng tubig.
Pinakilos ng Chengs ang isang Manny Cuevas, manugang umano ng isang congresswoman, para taga-kolekta ng komisyon. Kinikilan nito nang tig-P10 milyon ang supplier ng floor tiles at mga nais magtayo ng duty-free shops sa NAIA-3. Binayaran din nang $2 milyon ang pinsan ng Chengs na si Alfredo Liongson para manuhol ng government officials.
Niloko ng Chengs ang kasosyong Aleman na Fraport AG. Umabot sa $380 milyon ang pinasok ng Fraport miski 30% lang ito sa Piatco; $16.4 milyon lang ang galing sa Chengs na 60% sa Piatco.
Niloko rin ang taumbayan. Imbes na gumawa ang Chengs ng underground tunnel para pagdugtungin ang NAIA-2 at -3, gobyerno ang pinagawa ng surface road sa halagang daang-milyong piso. Pinagiba pa ang Nayong Pilipino na ginastahan din ng gobyerno. Nawalan pa ng trabaho ang daan-daang empleyado.
Tapos, hihingi ng $550 milyon?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest