^

PSN Opinyon

Ako ang pumili

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tungkol sa mga panginoon o amo at mga alipin. At tungkol din sa katunayan na si Jesus ang pumili sa atin. Hindi tayo ang pumili sa kanya.

Kailanma’y di-tinawag ni Jesus na mga alipin ang kanyang mga alagad o mga tagasunod. Hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon o amo. Ang maging alipin ay ang mabale-wala ang sariling kalooban o kapasiyahan. Kung ganito ang mangyayari, ganap na mawawala sa atin ang ating kalayaan at ating dangal o dignidad. At hindi ganito ang nais ni Jesus para sa atin. Ang kabaliktaran ang nais niya. Ang kaligtasan ay kahawig ng kalayaan. Sinabi ni San Pablo: "Para sa kalayaan, pinalaya kayo ni Kristo."

Pakinggan natin ang Ebanghelyo ni Juan (Jn. 15:9-17).

"‘Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayon din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig.

"Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.’’


Itinuro ni Jesus sa kanyang mga alagad ang isang pangunahing katotohanan:

"Pinili ko kayo. Hindi ako ang pinili ninyo." Pinili ni Jesus na kayo ay maging isang tao. Pinili niya kayo upang maging isang Kristiyano’t Katoliko. Pinili niya kayo para sa isang misyon at isang gawain. Ang inyong misyon: ang papaghariin ang Diyos sa buong mundo ngayon. Papaghariin siya sa inyong pamilya, sa inyong gawain.

vuukle comment

AKING

ALIPIN

ANG EBANGHELYO

KANYANG

KAYO

PINILI

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with