^

PSN Opinyon

Baguhin ang school opening

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
SANA ay hindi nagpa-panic sa SARS ang mga senador kung kaya pinaplano nilang baguhin ang school opening. Balak gawing mula Setyembre hanggang Hunyo. Si Senate President Franklin Drilon ay naghain ng batas. Ito ay upang magkaroon pa ng panahon ang gobyerno na makagawa ng paraan sa pagsupil sa pagkalat ng SARS. Gusto lamang siguruhin ni Drilon at mga senador na hindi mahahawa ang mga estudyante.

Hindi lamang ngayon napag-usapan ang tungkol sa paglilipat ng school opening. Noon pa ay may mga panukala na baguhin na upang maiwasan ang tag-ulan, bagyo, baha at iba pang kalamidad na dumarating tuwing buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto.

Dapat nang talakayin ngayon ang bagay na ito hindi lamang dahil sa SARS. Napapanahon na para maisalya na ang bill ni Drilon sapagkat mas marami itong kapakinabangan kaysa sa dating kaugalian nang schedule.

Sana ay kumilos nang mabilis ang mga senador, mga congressmen at iba pang mga opisyal ng ating pamahalaan. Sana ay hindi lamang mga satsatan at papormahan at wala sanang pulitikahan. Manaig sana ang kung ano ang makabubuti sa bansa at mamamayan lalo na sa isyung ito na ang kalagayan ng mga estudyante ang nasa panganib.

AGOSTO

BALAK

DAPAT

DRILON

HULYO

HUNYO

MANAIG

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with