^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagkamulat na naidulot ng SARS

-
BAGAMAT pumatay na nang mahigit sa 400 katao sa buong mundo ang Severe Acute Respiratory Sydnrome (SARS) ang pananalasa naman nito ang nagbukas sa isipan ng maraming pinuno para magsagawa ng mga pagbabago. Lumitaw ang mga bagong ideya na dati unang-una na ang may kaugnayan sa kalinisan na dapat panatilihin ng bawat isa. Sa pinaka-latest na balita, hinihinalang ang SARS ay nanggaling sa maruming kapaligiran. Umano’y nanggaling sa ipis at daga at may nagsabing galing daw ito sa mga ligaw na hayop.

Sa lahat nang ito ang karumihan ng kapaligiran ang lumilitaw na dahilan sa pagkalat ng misteryosong killer pneumonia. Ang China at Canada ang nangungunang bansa na grabeng tinamaan ng SARS. Ang Pilipinas ay hindi na SARS-free gaya ng unang inihayag ng Department of Health (DOH) Hinawahan ng nursing assistant na si Adela Catalon ang kanyang ama. Si Catalon, taga-Bgy. Vacante, Alcala Pangasinan ay namatay noong April 14.

Ang DOH ang masasabing namulat sa pananalasa ng SARS sa bansa. Ipinag-utos ang puwersahang pag-quarantine sa mga darating na pasahero. Ang paalala sa taumbayan na dapat ay maging malakas ang katawan at maging maingat para hindi mahawahan ng SARS. Kinailangang makipagtulungan ang taumbayan para maiwasan ang killer pneumonia.

Namulat din ang iba pang pinuno ng mga departamento at nagkaroon ng mga pagkilos at pagbabago. Noong isang araw, ipinag-utos na ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando na bawal nang dumura ang sinuman. Ang sinumang mahuling dumura ay parurusahan. Ayon kay Fernando dapat nang matuto ang taumbayan na huwag dumura lalo pa at laganap ngayon ang kinatatakutang SARS. Ang pagdura ay magdudulot ng lalo pang pagkalat ng SARS sapagkat matatapakan ito at kakalat na nang kakalat. Sabi ni Fernando, lunukin na lamang ng mga mahilig dumura ang kanilang laway. Mas ligtas aniya ito kaysa idura sa kalye.

Ang pagdura ay isa sa masama at nakadidiring ugali ng karamihan sa mga Pinoy. Walang pinipiling lugar. Dapat ay noon pa ipinagbawal ang ganitong karuming ugali. Posible na kumalat pa ang SARS kung hindi mapipigil ang mga mahilig dumura.

Marami ang namulat sa pananalasa ng SARS. At sana ang pagkamulat ay pangmatagalan na at hindi ngayon lamang na nanalasa ang SARS. Hindi dapat ningas-kugon na kung kailan lamang may epidemya saka maghihigpit.

ADELA CATALON

ALCALA PANGASINAN

ANG CHINA

ANG PILIPINAS

BAYANI FERNANDO

DEPARTMENT OF HEALTH

FERNANDO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with