^

PSN Opinyon

Mayroon nga bang SARS sa Pilipinas?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI ko maintindihan si DOH Secretary Manuel Dayrit kung tinatakot o pinag-iingat ang mga Noypi.

Kasi halos araw-araw ay iba ang sinasabi ni Mr. Health Secretary, paiba-iba ng statement tungkol sa killer pneumonia.

Ang problema kasi sa atin hindi tayo hi-tech porke wala naman tayong kakayahan para idetermina ang isang taong may SARS.

Sa Japan pa pinadadala ang bahagi ng katawan ng isang taong namatay sa SARS para i-autopsy.

Sa pagkakaalam ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sakit na pneumonia ay nakamamatay basta napabayaan kahit na noong hindi pa uso ang SARS. Kung mahina ang resistensiya at matanda na ang tao tiyak si Kamatayan ang makikita.

Hindi doktor ang mga kuwago ng ORA MISMO pero marami tayong kaibigang doktor galing US of A na nakakausap halos araw-araw tungkol sa killer virus.

Ang sinasabi ni Mr. Health Secretary, na lumalabas sa diyaryo everyday ay may SARS na sa RP.

Tatlong imported pa raw ito at isang locally transmitted. Ibig sabihin hindi dito nanggaling ang SARS sa Pinas kundi sa ibang bansa.

’Yung tatlong namatay ay may SARS na nang dumating sa atin samantala ang isa naman ay nahawa lamang. Samakatuwid, SARS-free pa rin ang Pinas.

Pero marami ng Noypi ang natatakot at nandidiri dahil sa kapuputak ni Mr. DOH.

‘‘Ano ba talaga sir meron ba o walang SARS sa atin?’’ tanong ng kuwagong naglalamay sa patay.

‘‘Sa palagay ko SARS-free pa rin ang Pinas,’’ anang kuwagong doktor na hindi nakapasa sa board exam.

‘‘Hindi ito uubra sa tindi ng init sa atin tamo sa Middle East walang SARS ang sakit lang nila ay putok sa kili-kili?’’

‘‘Ibig mong sabihin puro may putok na rin sa kili-kili ang mga Noypi?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Hindi naman, ang daming tawas dito sa Pinas pangkontra sa baktol?’’

‘‘Dapat ang gawin ng mga opisyal magpulong muna bago ilabas sa media ang issue sa SARS?’’

‘‘Hindi iyong puro kasipsipan ang alam nila?’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Bakit, tatakbo ba sila sa 2004?’’

‘‘Kaya nga maraming pulitikong pulpol ang sumasakay sa isyung ito’’

‘‘Alam mo ba kung bakit?’’

‘‘Ano?’’

‘‘Sila kasi ang a-SARS!’’

ALAM

ANO

IBIG

MIDDLE EAST

MR. HEALTH SECRETARY

NOYPI

SA JAPAN

SARS

SECRETARY MANUEL DAYRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with