^

PSN Opinyon

Anomalya sa NAIA, ibinabaon

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SALUDO ang mga kuwago ng ORA MISMO sa isang intelligence operative ni PNP Chief Supt. Marcelo Ele Jr., ng PNP – Directorate for Investigation and Detective Management, sa katauhan ni SPO4 Cesar Canabal Calmada, dahil napili ito bilang isa sa The Outstanding Policemen of the Philippines.

Si Calmada ay binigyan ng award ng JAYCEES at ni Prez Gloria, matapos niyang mahuli si Baldomero Quintela, isang kilabot na lider ng Bicol Bandoy group. Si Quintela, ay sangkot sa kidnapping for ransom at may reward na P300,000 sa kanyang ulo.
* * *
Ang isyu: Dapat apurahin ng Malacañang ang imbestigasyon hinggil sa umano’y anomalya sa NAIA para matapyas ang mga ulo ng mga kamoteng nagsabwatan dito kung talagang gusto nilang malinis ang kurapsyon sa administrasyon ni Prez GMA?

Hindi biro ang isyung ito kaya dapat itong madaliin lalo’t malapit na ang eleksiyon kasi butas ito ng opposition versus administration.

Kawawa naman ang mga kandidato ng administrasyon kung lagi na lamang nasasangkot ang kanilang mga alipores sa mga ilegal na aktibidades?

Hindi natin pinangungunahan ang mga bright people sa anomalyang nangyayari ngayon sa MIAA pero kung hindi agad ito maiimbestigahan agad tinitiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na walang mangyayari sa mga kaso rito.

Matindi ang operasyon ng mga kamote sa MIAA sa pangunguna ng isang Ms. Gagamba at mga galamay nito na lumawak ng todo ang operasyon mula sa pangongotong, pamemeke etcetera.

Dapat hindi matulog ang Ombudsman dito kalkalin nila ang anomalya sa airport matagal na itong nangyayari?

Alam ng ating mga readers ang mga ikinukuwento ng mga kuwago ng ORA MISMO porke hindi isang beses lang binira ito ng Chief Kuwago kundi madalas itong nasa kolum natin at maging sa kolum ng PM-QUESEJODA ang sister publication ng Pilipino Star NGAYON.

‘‘Kung talagang may anomalya bakit walang imbestigasyon?’’ tanong ng kuwagong urot.

‘‘Matataas kasi ang involved kaya mabagal ang aksyon ng nasa taas?’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Bata kasi nila ang mga tirador?’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kaya naman pala.’’

‘‘Pero ang alam ko may silence investigation dito sa DOTC bossing Larry Mendoza.’’

‘‘Hintayin natin ang resulta at tiyak hindi mapipigil ang bunganga ni Larry kapag nagkataon na positive ang anomalies?’’

‘‘Larry Boy, hihintayin ng masa ang resulta ng aksyon mo!’’

BALDOMERO QUINTELA

BICOL BANDOY

CESAR CANABAL CALMADA

CHIEF KUWAGO

CHIEF SUPT

DAPAT

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

LARRY BOY

LARRY MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with