'Umaagos na ang dugo' sa leeg ni Secretary Lina?
April 16, 2003 | 12:00am
SAMUT-SARING palusot na ang ginagawa ni Interior Secretary Joey Lina para linisin ang pangalan niya sa sumemplang na jueteng campaign niya. Malapit na kasi siyang mapugutan ng ulo, kayat sa tingin ng mga pulis na nakausap ko, hindi na stable ang pag-iisip niya, He-he-he! Sino ba naman ang makapag-iisip ng maayos eh bilang na ang araw mo, di ba mga suki? Ang balita ko, hinahasa na ng berdugo ang kanyang palakol para isang hambalos lang tigpas na ang ulo ni Lina.
Pero nitong nagdaang mga araw, mukhang suko na si Lina na mapahinto pa niya ang jueteng sa May 6 deadline na ibinigay niya. Ika nga sa isda, nagpupumiglas na si Secretary Lina at parang ayaw niyang sa kamay ng berdugo matatapos ang kampanya niya sa jueteng. Marami siyang dahilan kung bakit sumemplang ang kampanya niya at isa nga rito ay ang mababang kaparusahan sa mga nahuhuling financier o kubrador sa jueteng.
Ayon naman sa mga pulis na nakausap ko, ang isyu ay ang hindi pagtupad ni Lina ng pangako niya at dapat pangatawanan niya ang binitiwan niyang salita. Kahit ano pa mang dahilan ang babanggitin ni Lina eh sira na ang pangalan niya sa sambayanan dahil napatunayan na wala siyang isang salita o walang silbi ba yon? Dapat lang daw ibaon na ni Lina sa limot ang plano niyang bumalik sa larangan ng pulitika kung meron man dahil huhusgahan siya ng sambayanan sa darating na 2004 elections.
Binuwag ni Lina ang Task Force Jericho niya na sa tingin naman ng pulisya ay napakinabangan niya ng mahabang panahon. Kung si Lina ang tatanungin, hindi siya nadungisan ng kahit isang kusing dito sa tong collection activities ng grupo ni Supt. Noel Estanislao, hepe ng Jericho, at katunayan kakasuhan niya ito, pati na ang sibilyan niyang kapatid at ang isang Insp. Savares. Nanliit ang mga mata ng kausap kung mga pulis sa katatawa.
Noon pa tayo nagsisigaw dito sa kolum ko na nangungulekta ng lingguhang intelihensiya ang Jericho pero hindi pinansin ni Lina. Subalit, may alam dito si Atty. Morga, anang mga pulis. Kung ang mga pulis ang paniniwalaan, pinakamalaking intelihensiya pa ang kinukubra ng grupo ng Jericho at napatunayan yan dahil mismong si Estanislao ay nakabili na ng beach resort sa Batangas. Nagising man si Lina eh huli na dahil naghihingalo na ang kampanya niya sa jueteng.
Ayon sa report nitong nagdaang mga araw, may balak bumuong muli ng isang task force itong si Lina bilang kapalit ni Jericho. Hindi na siya nadala, no mga suki? Kasi nga itong Jericho nga na taon ang operasyon eh hindi nagawa ang trabaho, ito pa kayang bagong task force? Kung sabagay, may magandang record sa pakikibaka sa jueteng itong napipisil niyang mamumuno sa task force sa katauhan ni Chief Supt. Manuel Cabigon.
Ayon sa report, masigasig sa trabaho si Cabigon pero masyadong malapit na ang May 6 deadline ni Lina. Si Cabigon kaya ang kasagutan para maiwasan ni Lina na mapugutan ng ulo? He-he-he! Mukhang umaagos na ang dugo sa leeg ni Secretary Lina ah?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest