^

PSN Opinyon

Resettlement sites para sa mga apektadong pamilya ng North Rail (Huling Bahagi)

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
PATULOY pa rin ang clearing sa North Rail at kung makikipagtulungan lamang ang mga apektadong pamilya na maging maayos ang paglilinis dito, magiging mas mabilis ang implementasyon ng North Rail Project. Sa bawat pamilyang apektado ay may nakahandang tulong mula sa gobyerno na kapapalooban ng mga sumusunod:

Service homelot/unit na aabot hanggang P100,000. Ito ay unti-unting huhulugan ng pamilya.

Housing Materials Loan na P50,000. Gagamitin ng bawat pamilya upang makabili ng mga materyales sa pagpapatayo ng bahay. Unti-unti rin itong babayaran.

Transport and Manpower Assistance na P10,000. Ito ay libre at nakalaang pambayad sa paglilipat mula North Rail hanggang sa napili nilang resettlement sites.

Livelihood Assistance Loan na hanggang P25,000. Gagamitin itong puhunan sa maliit na negosyo na pagkakakitaan ng pamilya. Ito ay huhulugan sa maliit na halaga.

May nakalaan ding P2,200 bilang pambayad sa water and power service connection. Ito ay libre at gagamitin sa pagpapakabit ng kuryente at tubig.

May nakalaang libreng Food Allowance na P1,000 na sasagot sa pagkain ng pamilya habang sila naglilipat.

• Financial Assistance para sa mga magbabalik probinsiya sa halagang P10,000.

Lubusan po ang aming pagtulong sa mga apektadong pamilya. Hindi lamang ang maayos at mapayapang paglilikas ang aming binibigyang halaga kundi sa package na aming iniaalok upang makapagsimula silang muli. Hindi lamang lugar para sa relokasyon ang aming ibinibigay, binibigyan din namin sila ng tulong pinansiyal.

Kung kaya ang aking pakiusap, magkusa ang mga pamilya na makipagtulungan sa gobyerno upang hindi na tumagal pa ang proseso ng paglilinis sa riles. Malaki ang determinasyon ng gobyerno na ipatupad ang modernisasyon at rehabilitasyon ng North Rail para sa ikabubuti ng ekonomiya, ikagaganda ng sistemang transportasyon at ikagiginhawa ng publiko.

vuukle comment

FINANCIAL ASSISTANCE

FOOD ALLOWANCE

GAGAMITIN

HOUSING MATERIALS LOAN

LIVELIHOOD ASSISTANCE LOAN

NORTH RAIL

NORTH RAIL PROJECT

PAMILYA

TRANSPORT AND MANPOWER ASSISTANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with