Hustisya kay Ferdinand Perez
April 8, 2003 | 12:00am
NAGPAPASALAMAT ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mag-asawang Ace at Carol Matsuda, may-ari ng Net World Hotel sa may Jipang Building Roxas Boulevard Manila. Sa mga tauhan nitong sina Lanie Claveria, Maureen Santos at Evelyn Soriano ng SM Kenko at maging si Mr. Oiwa ng Ryoka Restaurant.
Ang isyu: Humihingi ng katarungan si Manny Perez, ama ni Ferdinand Perez, sinasabing asset ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos itong maaksidente at magkahati-hati ang katawan dahil nasagasaan ng tren sa may Altura, Sta. Mesa, Manila. Noong Marso 15. Nadale si Ferdinand, naputol ang isang paa nito at hindi na nakita.
Sabi ni Manny, dalawang taga-CIDG ang kasama ng kanyang anak ng mangyari ang insidente.
Aksidente raw sabi ni SPO4 Boy Toledo ng WPD Station 4, pero hindi masikmura ni Manny ang report ng police.
Itinulak ang kanyang anak at hindi ito isang aksidente. Sumbong ni Manny sa mga kuwago ng ORA MISMO.
Ex-police si Manny kaya personal itong nag-imbestiga sa scene of the crime.
May mga nakakitang itinulak daw ito ng dumadaan ang tren kaya lang wala siyang makuhang testigo porke takot ang mga kamote.
Asan ang dalawang CIDG na kasama ni Ferdinand noon? tanong ng kuwagong Kotong Cop.
Ayaw lumutang porke malaki ang problema nila kapag lumabas sila sa lungga? sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Bakit si Ferdinand ang nadale?
Matunog ang dalawang kasamahan nitong CIDG kaya kumaripas ng takbo.
Teka nga pala, congratulations kina Jerry S. Tan ng Peoples Taliba, ang overall champion ng DND Media Fellowship shootfest; Itchie Cabayan, ng Peoples Tonight, overall champion ng Womens category; Raoul Esperas ng DWIZ, top-8 sa overall category at Rudy Genteroy, RP Daily Exposé.
Keep up the good works mga tekamots!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am