Iraq war, huwag magsamantala
March 25, 2003 | 12:00am
LIBONG-milya ang layo ng Pilipinas sa Iraq. Pero maaaring maapektuhan tayo ng giyera-kung magsamantala ang mga ganid. Kaya naghanda ang mga mayor sa Metro Manila laban sa hoarders at profiteers.
Huwebes pa lang sa Quezon City nag-inspection na ang city hall sa mga gasolinahan. Tinitiyak ni Mayor Sonny Belmonte na calibrated lahat ng metro. "Imbis na tumaas ang presyo ng crude oil sa usapang giyera, bumaba pa nga," ani Belmonte, "kasi sa palagay ng oil traders ay patapos na ang crisis sa Persian Gulf." Ang pangkalahatang presyo ng gasolina ay babantayan ng national government. Pero sa QC, tututok si Belmonte sa maaring mandaya sa metro.
Sa mga palengke babantayan din ang mga kilohan. Baka mandaya sa timbang ang nagtitinda.
Sa Manila inatasan ni Mayor Lito Atienza ang barangay officials na manmanan ang supply at presyo sa pamilihan. Puwede kasing artipisyal na magmahal ang bilihin kung ipitin ang supply ng semento, mantika, gatas, bigas at iba pang bagay na tumatagal sa imbakan.
Sa Makati pinababantayan ni Mayor Jojo Binay pati sari-sari stores, grocery at supermarkets. Kanseladong business permit ang hinaharap ng hoarders at profiteers.
Sa tatlong nabanggit na siyudad pinakamaselan ang security. Nasa QC ang Batasan, headquarters ng PNP at AFP, at La Mesa dam, imbakan ng tubig-Metro Manila. Nasa Manila ang piers, Malacañang, Senado at Korte Suprema. Nasa Makati karamihan ng embassies. Naglipana ang malls, government offices, telecoms centers at banko sa QC, Manila at Makati.
Kaya doon nagtuon ang pulis kontra sa Islamic terrorist na maaring sumuporta sa panggugulo ni Saddam Hussein sa mundo.
Pinulong ni Metro Manila police chief Reynaldo Velasco ang mga lider ng Muslim communities para hindi sila ma-infiltrate ng terrorists. Nagtatag din ng police detachment sa La Mesa dam, para tiyaking hindi mangyayari roon ang pagpasabog sa reservoir sa Kidapawan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended