^

PSN Opinyon

Kaso ng ahente at broker

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SINA Mr. at Mrs. Garcia ay may-ari ng 104,114 square meters na lupang titulado. Noong Hunyo 29, 1992, binigyan nila ng special power of attorney sina Robert, isang lisensiyadong real estate broker, at ang kasama nitong sina Andy at Cesar, upang magbili ng nasabing lupa sa halagang P550 per square meters na may komisyong tatlong porsyento ng mapagbibilhan. Ang nasabing power of attorney ay notaryado ngunit hindi eksklusibo at may bisa lamang ng isang buwan.

Nagkataon namang nalaman ni Robert sa kanyang kaibigang si Eddie na may isang kongregasyon ng mga madre ang humahanap ng lupa. Kaya noong Hulyo 11, 1992, sinamahan nina Robert at Eddie ang dalawang madre sa tanggapan ni Mr. Garcia. Makalipas ang dalawang araw, nagkasundo na ang mga madre at sina Mr. at Mrs. Garcia kaya, nagsagawa na ng isang Kasulatan ng Bilihan ang mag-asawang Garcia at ang mga madre kung saan P200 per square meters ang napagkasunduang presyo. Nang malaman ito nina Robert, hiningi nila ang kanilang komisyon subalit tumanggi si Mr. Garcia. Ayon kay Mr. Garcia, dahil hindi naman eksklusibo ang ibinigay na kapangyarihan sa kanila, ipinakita nito ang special power of attorney na iginawad kay Pablo na walang petsa at notaryo, bilang patunay na ito ang nagsagawa ng pagbibili sa mga madre.

Noong hindi pa rin sila binigyan ng komisyon matapos matanggap ang kaukulang presyo, nagsampa na sina Robert ng kaso upang mabawi ang kanilang broker’s fee na P1,655,412.60 o ang tatlong porsyento ng napagkasunduang P550 per square meters pati na moral at exemplary damages at attorney’s fees. Pinaboran ng Korte sina Robert at inatasan ang mag-asawang Garcia na bayaran ang broker’s fee na P624,684 base sa P200 per square meter na aktwal na halaga ng lupa na nakatakda sa Kasulatan ng Bilihan, kasama ang legal na interes na anim porsiyento kada taon at attorney’s fees na P50,000. Tama ba ang mababang hukuman.

Tama.
Si Robert at mga kasamahang sina Andy at Cesar ay may partisipasyon sa nasabing transaksyon kahit na hindi sa mismong bilihan dahil pinuwera na sila ng mag-asawang Garcia. Hindi tulad ng mga ahente na nakukuha lamang ang kanilang komisyon kapag naganap na ang isang bilihan, sila bilang broker, ay kumikita sa pamamagitan lamang ng pagpapakilala ng nagbibili at ng bibili, kahit na hindi magkaroon ng bilihan sa bandang huli. Ang trabaho ng broker ay dalhin ang mga partido sa isa’t isa sa mga usaping komersyo, kalakal at nabigasyon.

Ang special power of attorney na ibinigay nina Mr. at Mrs. Garcia sa ibang broker na si Pablo na walang petsa at notaryo, ay isa lamang paraan upang maiwasan ang komisyong dapat ay kina Robert. Hindi kinikilala sa negosyo ang kapangyarihang ito lalo na kung malaking pera ang napapaloob sa pagbibili ng lupa. Kaya ang kapangyarihan iginawad kina Robert ang kikilalanin ng batas.

Tama rin ang komisyong P624,684 na ibinigay ng Korte dahil base ito sa P200 per sq.m. , ang aktwal na halaga ng lupang ipinagbili at hindi sa orihinal na alok na P530 per square meter (Tan et. al. Vs. Guillas, et. al. G.R. 143978, December 3, 2002).

ANDY

BILIHAN

EDDIE

GARCIA

MR. GARCIA

MRS. GARCIA

ROBERT

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with