^

PSN Opinyon

2000 Intel Phils, Inc. retirees,hulog sa BITAG ng 'kultong' H4M Enterprises

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NADISKUBRE ng BITAG investigative team ang isang pseudo-investment company, ang H4M ENTERPRISES, sa pamamagitan mismo ng mga miyembrong nabiktima nito.

Walang opisina ang H4M Enterprises at hindi ito rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI) o Securities and Exchange Commission (SEC) sa uri ng negosyong "investment".

Ang H4M Enterprises ay kabilang na ngayon sa listahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at kasalukuyan ng pinaghahanap ang mag-asawang nagmamay-ari nito na sina Helen Lopez-Garcia at Melchor Garcia.

Nagpalabas na ng arrest order ang Senado, ang Committee on Trade and Commerce ni Sen. Robert Jaworski sa NBI laban sa mag-asawa.

Tinatayang mahigit sa P440 million ang tinangay ng mag-asawa sa kanilang mga nabiktimang miyembro.

Tulad din ng malalaking isdang sina Rose Baladjay, Ervin Mateo, at iba pang mga suspek sa investment scam na kasalukuyang nasa kustodiya na ng ating awtoridad, ang katangian nitong si Helen ay "matamis ang dila" at magaling mangumbinsi.

Nakapagtataka ang galling ni Helen pagdating sa panloloko. Matatawag siyang "gifted" o di naman kaya’y "genius", kaya’t napapasunod niya ang kanyang mga miyembro na parang isang uri ng KULTO.

Ayon na rin sa mga leaders nito na tinatawag na mga "uplines", kapag nagduda ang isang miyembro sa gawain nitong si Helen, hinahamon pa raw nito na maghanap na lang ng ibang kompanyang kanilang mapapasukan at handa pa raw itong isauli na lang ang perang kanilang in-invest.

Ilan sa mga leaders ang sabay-sabay na lumapit sa BITAG. Tumungo sila sa aming tanggapan mula pa sa Cavite, sakay ng dalawang Toyota Revo, para lamang ipaabot sa amin ang kanilang hinaing at pangambang posibleng gantihan sila at saktan ng kanilang mga na-recruit na mga miyembro.
* * *
Estilong sindikato ang ginawa ni Helen. Una, papadamahin niya muna ang kanyang mga miyembro, patitikmin ng kita sa pamamagitan ng tubo ng kanilang investment.

Sa susunod, hulog na sila sa BITAG ng panloloko ni Helen. Ganito kasimple ang pamamaraan ni Helen. A simple but a very effective formula ng kaniyang panloloko.

Naging target ni Helen ang 2000 retirees ng Intel Philippines Inc. na lahat ay nag-invest sa H4M Enterprises. Bawat isa ay nag-invest ng P12,750.00 at mahigit pa.

Ganito ang kanyang modus operandi. Noong una, pagbebenta lang ng cellcards kung saan nahikayat niya ang mga retirees na mag-invest. Sa halagang P12,750.00, tutubo ang isang miyembro ng P750.00 kada linggo.

Kakaiba talaga ang galing nitong gagang si Helen. Parang kulto, nakumbinse niya ang halos lahat ng miyembro ng H4M Enterprises na ang tubo nila ay huwag ng pakialaman at sa halip ay ibalik sa kompanya para lalong lumaki ang tubo.

Nakikita ng mga miyembro sa pamamagitan ng mga passbook sa banko na lumalaki nga ang kanilang perang tinubo pero kinukuha ito uli ng H4M Enterprises.

Nagulantang na lang ang mga miyembro nang makita nilang zero balance na ang kani-kanilang account. Sabay-sabay ito kaya’t sabay-sabay din silang nahilo sa estilo ng "pantsutsubibo" nitong manggagantsong si Helen.

Kung sinuman ang nakakaalam sa kinaroroonan ng mag-asawang sina Helen at Melchor Garcia, agad na tumawag sa NBI Hotline, 523-8231 o di naman kaya, sa BITAG hotline, 932-5310 o 932-8919.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

ERVIN MATEO

GANITO

HELEN

HELEN LOPEZ-GARCIA

KANILANG

MELCHOR GARCIA

MIYEMBRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with