EDITORYAL Labimpitong taon nang mata ng bayan
March 17, 2003 | 12:00am
EKSAKTONG 20 araw makaraang tumakas sa Malacañang ang mag-anak ni dating President Marcos, isinilang ang Pilipino Star NGAYON (dating Ang Pilipino Ngayon). Mula noon, 17 taon nang naging tainga at mata ng masa ang Pilipino Star NGAYON (PSN). Sa loob ng panahong iyon, hindi nagbago ang PSN sa paghahatid ng mga sariwang balita at makabuluhang opinion. Hindi sumira sa pangakong maglilingkod at maging sumbungan ng masang Pilipino. Patuloy na nagmatyag sa mga nangyayari sa bansa at inihahatid ito ng malinaw sa taumbayan. Kung ano ang layunin ng PSN noon ay iyon pa rin ngayon at mas lalo pang pinagbubuti para sa kapakanan ng taumbayan na mahatiran ng mga sariwang impormasyon.
Apat na Presidente na ng Pilipinas ang binantayan ng PSN. Bawat galaw nila at sinabi ay nailimbag nang malinaw sa PSN. Binatikos at pinuri. Walang pagkatakot na inihayag ang mga pangyayari sa ilalim ng kanilang panunungkulan. Mabuti at masama, pangit o maganda ay hindi nakaligtas. Ganyan ang pagbabantay ng PSN. Nakatutok at hindi lumilimot. Kudeta at malawakang brownout sa panahon ni Cory. Financial crisis at pagkaapi ng mga overseas Filipino worker sa panahon ni Ramos. Katiwalian at kapabayaan sa panahon ni Estrada.
Sa lahat, ang corruption sa pamahalaan ang labis na natalakay sa editorial at column ng PSN. Kaya nang pumutok ang juetenggate ni dating Presidente Joseph Estrada sa pagkakamal niya ng bilyong piso sa jueteng, ay mas lalo pang naging alerto ang PSN para magbantay. Walang puwang ang pamumuri. Nang ang administrasyon ni Estrada ay unti-unti nang bumabagsak, hindi siya nakaligtas sa mata ng PSN. Maging nang maupo si Estrada at sabihin ang pamoso niyang walang kaibigan, walang kamag-anak, walang kumpare ang PSN ay kabilang sa mga pahayagang naghatid ng mahahalagang balitang iyon. Isinilang ang EDSA Dos. Nagkapitbisig na naman ang taumbayan para patalsikin ang corrupt na pinuno. Ikalawang people power sa kasaysayan. Malinaw na inihatid ng PSN ang pangyayari.
Patuloy ang buhay. Patuloy ang pagmamatyag at pagbibigay ng impormasyon. Naluklok si President Gloria Macapagal-Arroyo ng EDSA people power 2. Ikalawang babaing naging Presidente ng Pilipinas. Si Mrs. Arroyo ang masusing binabantayan ngayon ng PSN.
Labimpitong taon na ang PSN at sa haba ng panahong iyon marami nang karanasan sa pagbibigay ng malinaw, patas at sariwang balita. Iyan ang tungkulin ng PSN na magpapatuloy hanggang sa wakas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest