^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ibasura ang Oil Deregulation Law

-
TAAS-BABA. Taas-baba. Hindi iyan blood pressure kundi presyo ng gasoline at diesel na produkto ng tatlong malalaking kompanya ng langis --- ang Shell, Petron at Caltex. Wala silang tigil sa taas-baba. Kahapon ay nagtaas na naman ang Shell ng 80 sentimo bawat litro ng kanilang gasoline at 70 sentimos naman bawat litro ng diesel at kerosene. Tumaas naman ang liquified petroleum gas (LPG) ng 50 sentimos bawat kilogram. Nauna na namang nagtaas ng kanilang presyo ang Caltex noon pang nakaraang linggo at anumang araw mula ngayon maaaring sumunod na rin ang Petron.

Isa sa mga dahilan ng tatlong oil companies sa kanilang pagtataas ng produktong langis ay dahil sa namamayaning tension sa Iraq. Dahilan din umano ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Mataas umano ang presyo ng shipping costs kaya wala silang ibang paraan kundi ang magtaas ng presyo. Ang pagtataas na nangyari kahapon ay maaari pa umanong masundan, sabi ng mga top executives ng oil companies. Marami silang dahilan.

Iisa lamang ang ibig sabihin nang walang patlang na pagtaas ng produktong langis, wala na silang kontrol. Maaaring bukas o makalawa ay magsasagawa sila ng pagtataas. Pero ang dahilan nila noon ay walang ipinagkaiba sa dahilan ngayon. Tumaas ang presyo ng langis sa world market. At ngayon ay ang tension sa Iraq naman ang kanilang dahilan na sinundan ng mataas na gastos para sa shipping. Pero kahit naman walang tensiyon sa Iraq ay ganito na ang nangyayari noon pa. Walang ipinagkaiba. Kung ganyan ang kanilang dahilan sa pagtataas, bakit hindi na lamang magkaroon ng minsanang pagtataas para hindi natutuliro ang mamamayan.

O ang isang pinaka-mahusay na paraan, buwagin na ang Republic Act 8479 o ang mas lalong kilala sa tawag na Downstream Oil Industry Deregulation Law. Walang silbi ang batas na ito. Mula nang maging batas noong 1998, nagkaloko-loko na ang bansa sa walang patumanggang pagtataas ng tatlong oil companies. Walang deregulated oil industry na nangyari. Lalo lamang binuhay ng batas na ito ang tatlong oil companies sapagkat nagkamal sila ng salapi sa walang tigil na pagtataas. At alam ba ng mamamayan kung nalulugi nga ba sila o hindi gaya ng kanilang sinasabi? Sino ang nakaaalam kung mahal nga ba o mura ang binibili nilang langis sa mga oil producing countries? Sila lang ang nakaaalam niyan.

Sa mga mambabatas, panahon na para pagbuhusan ng pansin ang RA 8479. Buwagin na ito sapagkat wala namang silbi.

vuukle comment

CALTEX

DAHILAN

DOWNSTREAM OIL INDUSTRY DEREGULATION LAW

OIL

PAGTATAAS

PERO

PETRON

REPUBLIC ACT

TUMAAS

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with