^

PSN Opinyon

Ano ang Pag-IBIG Multi-Purpose Loan?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay empleyado ng isang pribadong kompanya, nabasa ko ang inyong kolum tungkol sa Multi-Purpose Loan ng Pag-IBIG. Sa kasalukuyan ay hinuhulugan ko ang housing loan sa Pag-IBIG at regular ang aking pagbabayad. Nais ko sanang mag-apply ng multi-purpose loan. Maaari ko bang gamitin ang aking mauutang sa MPL sa pagpapatayo ng maliit na negosyo? Makakautang pa rin ba ako kahit na may housing loan pa akong binabayaran? Gaano katagal itong babayaran at magkano ang interes? – Mario V.


Ang Multi-Purpose Loan (MPL) ng Pag-IBIG ay naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal sa mga miyembro nito. Ito ay maaaring gamitin bilang puhunan sa negosyo, para sa mga pangangailangang medikal at edukasyon, maging pagbili ng mga ilang kagamitan sa bahay at mga simpleng pagpapaayos sa bahay.

Samakatuwid ay maaari mong gamitin ang MPL sa pagsisimula ng iyong negosyo. Kahit na ikaw ay may binabayarang housing loan, maaari ka pa ring umutang sa MPL subalit kinakailangang updated ka sa iyong pagbabayad. Ang MPL ay kailangang bayaran sa loob ng 24 na buwan at ito ay may interes na 10.75 percent bawat taon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Pag-IBIG Office.

ANG MULTI-PURPOSE LOAN

DEAR SEC

GAANO

KAHIT

LOAN

MARIO V

MIKE DEFENSOR

MULTI-PURPOSE LOAN

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with