^

PSN Opinyon

Ang betlog at punlay

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
BUKOD sa mga pamahiin at kaugalian sa nayon at kung anu-ano pang mga salita ang aking natutuhan. Unti-unti ay nalaman ko kahit malalim ang kahulugan.

Pero marami ring salita buhat sa siyudad ang gusto namang malaman ng taga-nayon. Gusto nila ng bagong salita.

"Doktor, turuan n’yo kami ng bagong salita," sabi ng isang magsasaka.

"O sige. Alam n’yo ba ang kahulugan ng salitang punlay?" Marami ang nakatunganga. Hindi alam. Hanggang isang binatilyo ang nagtaas ng kamay.

"Sige, ikaw na dahil mukhang atat na atat ka’t parang sigurado ka sa sagot," sabi ko sa binatilyo.

Tumayo ang binatilyo at sabay sabing "Betlog." Ang Betlog ay bayag o scrotum.

Ako ay nabigla sapagkat hindi ko inaasahan ang kaibang sagot.

"Malayo yata ang ibig sabihin ng betlog sa punlay. Ang punlay ay ang sperm o isang binhi ng lalaki. Kinuha ito sa salitang punla at buhay kaya naging punlay. Bakit betlog ang sagot mo ha?"

"Sa pagkakaalam ko, Doktor, ang punlay ay galing sa punla at laylay. Kaya punlay. Sapagkat ang binhi ay nakalaylay. Di ba’t ang betlog ng lalaki ay nakalaylay."

"May katwiran ka. Sige, maupo ka na!" sabi ko.

Tawanan ang lahat.

ALAM

ANG BETLOG

BAKIT

BETLOG

DOKTOR

HANGGANG

KAYA

KINUHA

SIGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with