^

PSN Opinyon

Corruption mahirap pigilin sa Customs

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ISANG grupo ng mga taga-customs sa NAIA ang naka-ututang dila ng mga kuwago ng ORA MISMO at napag-usapan ang mga bakanteng plantilla sa bureau kaya sandamakmak ngayon ang mga aplikante rito.

Sabi nila, may 65 plantilla na lamang daw ang bukas ngayon sa BOC pero ang aplikante ay may 3,000. Naku ha!

Hindi ito ang isyu ang magandang napag-usapan namin ay kung magkano ang lagayan para ka maging regular na empleado ng Bureau of Customs.

Ganito raw ang sistema, kapag ang isang aplikante ay natulungang makapasok sa bureau ng kanyang nakilalang kamoteng empleyado sa BOC tiyak magrarasyon ka ng pitsa tuwing Biyernes o kumporme sa mapagkakasunduan nilang araw. Kasi tiyak na tatanaw ka ng utang na loob sa kamoteng tumulong sa iyo sa bureau.

Halimbawa sa NAIA ka napadpad mga US$20 kada Biyernes ang ihahatag mo sa taong tumulong sa iyo. Kaya saan mo kukunin ang pitsang panghatag siyempre sa pangungurakot?

Depende pa ito sa assignment mo kung saan ka nailagay eh kung sa juicy position ka napadpad. Siyempre mas malaki ang hatag.

Pero sa mga taong matagal na sa bureau kaya lang hindi pa sila permanent sa kanilang mga positions at ang iba naman ay gustong ma-promote. Naku tumataginting daw na P50,000 ang isang ulo.

Sa mga collection este mga kamoteng collector pala na mahilig mamili ng kanilang paglalagyan siyempre mas malaki ang kanilang hatag sa mga tumulong sa kanila lalo’t mga ugok na pulitiko ang pumadrino? Di ba, Collector Boy-ba at Collector Pogi?

Hindi biro ang hatagan dito kaya ito marahil ang dapat kapain ni Comm. Tony Bernardo para matanggal kundi man ay maiwasan ang corruption sa bureau.

Saan kukunin ng mga gago ang kanilang panghatag siyempre sa buwis na babayaran para sa gobyerno. Ika nga, ng isang pulitikong ugok kung ang sarili niyang pera sa bulsa ay nagagalaw niya, iyon pa kayang pera sa kaban ng bayan ang hindi niya gagalawin?

‘‘Kaya pala sangkaterba ang gago sa customs dahil sa maling sistema,’’ anang kuwagong urot.

‘‘Matatanggal pa kaya ang maling sistemang ito?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Mahirap porke cancer na,’’ nang kuwagong Hitad.

‘‘Hindi kasi gagalaw ang papel mo kung walang pitsang lalakad para pumasok sa kanilang bulsa?’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Eh ano ang magandang gawin natin para matigil ito?’’

‘‘Mahirap ang tanong mo?’’

‘‘Ano nga, kamote?’’

‘‘Mas maganda kung puputulin natin ang ulo para mamatay ang katawan,’’

‘‘Ulo ng ahas?’’

"Hindi.’’

‘‘Ano?’’

‘‘Ulo ng mga gagong opisyal.’’

ANO

BIYERNES

BUREAU OF CUSTOMS

COLLECTOR BOY

COLLECTOR POGI

KAYA

MAHIRAP

NAKU

TONY BERNARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with