Hindi raw kayang galawin si JV Magsaysay bilang jueteng financier
February 16, 2003 | 12:00am
SINUSUKAT talaga ng mga local officials at gambling lords kung hanggang saan ang pasensiya ni Interior Joey Lina kung jueteng ang pag-uusapan. Kasi nga mula nang isantabi ni Lina ang pagbabanta niyang more heads will roll eh halos naglipana na ang jueteng sa buong bansa. Alam yan ni Supt. Noel Estanislao, ang hepe ng Task Force Jericho pero mukhang hindi niya inire-report ito ke Sec. Lina. He-he-he! Moro-moro lang yan.
Buweno, subukan natin kung may lason pa ang laway ni Lina sa Zambales kung saan hayagan na sa ngayon ang pangungubra ng taya sa jueteng. Para sa kaalaman ni Secretary Lina, 12 bayan sa probinsiya ni Gov. Magsaysay ay nagsulputan ang jueteng at mukhang inutil laban dito si Supt. Jaime Calunsod Jr., ang director ng pulisya roon. At ang masama niyan, nagyayabang pa ang financier na si J.V. Magsaysay na hindi siya kayang galawin ni Supt. Estanislao dahil pasok naman siya. He-he-he! Ano kaya ang ibig sabihin niyan? Me relasyon kaya kay Gov. Magsaysay ang financier ng jueteng sa Zambales? Tanong lang.
Ganito pala ang kubransa ni J.V. sa buong Zambales, Secretary Lina, Sir. Sa Subic, P200,000 kada araw; sa Castillejos, P150,000; sa Cabangana, P120,000; San Narciso, P140,000; San Felipe, P200,000; Iba, P300,000; Palaweg, P120,000; Candellaria, P120,000; Sta. Cruz, P80,000; San Marcelino, P140,000; Masinloc, P90,000, at Botolan, P140,000.
Dalawang beses kung magbola ng kanyang jueteng si JV, Secretary Lina Sir. Sigurado akong abot din ni jueteng genius Elmer Nepomuceno at partner niyang si Supt. Igmedio Racmo Cruz ang pa-jueteng ni JV. At kung ang pagyayabang ni JV ang gagawing basehan, aba hindi na mapapatigil ang jueteng niya dahil maamo na sa kanya si Nepomuceno, anang mga pulis na nakausap ko. Matibay talaga si Elmer Amparo, no CIDG director Chief Supt. Eduardo Matillano Sir? Baka kilala mo ang opisyal ng CIDG na nagpataas ng intelihensiya ng unit mo mula sa P2 milyon noon at P2.8 milyon na sa ngayon? Tanong lang.
Kung si JV ay namamayagpag sa Zambales, si Eddie Caro naman ay ganoon na rin sa probinsiya ni Rizal Gov. Nini Ynares at hindi siya kaya ni Maj. Nieves, na umanoy bagman ni Chief Supt. Ike Galang sa Region 4. Eh, paano mapatitigil si Eddie Caro Sec. Lina Sir, eh sosyong laway ang mag-partner na sina Nepomuceno at Racmo sa negosyo niya?
Kung si Calunsod ay hindi sinusunod si Lina, marami pa tayong natatanggap na balita na sa ibang bahagi ng Luzon ay ganoon din ang ginagawa ng pulisya natin. Isa-isahin natin sila para makarating sa kaalaman ni Lina kung ano ang tunay na nangyayari sa kalye dahil mukhang naba-bamboo siya. Get nyo mga suki? Baka naman may alam diyan si Atty. Morga? Habang palapit nang palapit ang Abril 3, marami sa mga kausap kong pulis at ang buong sambayanan ang excited sa pag-aabang kung ano ang idadahilan ni Sec. Lina kung bakit pumalpak ang kampanya niya sa jueteng. Moro-moro na naman? He-he-he! Laos na yan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest