Koleksiyon ni Lacson
February 11, 2003 | 12:00am
CAREFUL, careful, ika nga ni Inday Badiday. Sabi kasi ni Sen. Panfilo Lacson tumataba ang puso niya sa pa-going ang mga Filipino-Americans para tulungan siyang bayaran ang $3-milyong damage award sa isang negosyante sa California. Careful, careful, kasi baka mawasak-dibdib si Lacson kung dumami lalo ang kaso niya dahil sa ambagan nila.
Paalala ng isang human-rights lawyer, labag sa Code of Conduct and Ethical Standards na humingi o tumanggap ng ano mang regalo ang isang opisyal. Kulong siya lalo na kung, ayon sa Presidential Decree 46, "ang regalo o mahalagang bagay ay binigay dahil sa posisyong tangan."
Nagsalita kamakailan si Lacson sa Caviteños of Los Angeles. Ayon sa leader nila, mag-aambagan sila para tulungan man lang si Lacson bayaran ang abogadong Michael Cardozo para ipawalang-sala siya. Mahal si Cardozo, paga-$50,000 (P2.7 milyon) ang retainer. Una raw nag-donate ang isang nurse ng $100. Magbibigay din ang mga dating kaklase ni Lacson sa military academy na ngayoy nasa Amerika na.
Natalo si Lacson nung Enero sa demandang slander at intentional infliction of emotional distress kay Blanquita Pelaez ng Alameda county. Nilait-lait kasi ng senador ang babae sa speech niya sa Fil-Am leaders sa Alameda nung Setyembre 2001. Inamin din ni Lacson sa speech na pina-blacklist niya si Pelaez bilang PNP supplier nung hepe pa siya. Hinabla tuloy siya ni Pelaez ng intentional interference in business relations niya sa Smith & Wesson. Ani Pelaez, inipit ni Lacson ang bayad sa 31,262 posas ng Smith & Wesson na binenta niya sa PNP noon pang 1997. Sinuway kasi niya ang utos ni Lacson na kasuhan ang 123 PNP officers na nag-approve ng kontrata sa posas at nais ni Lacson palitan ng mga bata niya.
Pasya ng korte, bayaran ni Lacson si Pelaez ng $3-milyong danyos.
Naghahasa na ng itak si human-rights lawyer. Oras na tanggapin ni Lacson ang $3-milyong (P170 milyon) ambag ng Fil-Ams para ibayad kay Pelaez, ihahabla niya ito ng plunder. Ayon sa batas, kapag tumanggap ang isang opisyal ng mahigit P50 milyon sa serye o kombinasyon ng ipinagbabawal na gawain, kulong siya habambuhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest