Buni
February 9, 2003 | 12:00am
SA English, ito yung tinatawag na ringworm. Isa itong infection mula sa fungi. Madali itong makahawa. Madikit lamang ang bahaging may buni sa balat ng ibang tao ay mangangati na at maghuhugis bilog na ang bahaging apektado.
Maraming uri ng fungi na tinatawag na "tinea" ang nagiging dahilan ng buni. Ang tinatawag na tinea pedis o athletes foot na umaatake sa paa; tinea cruris o dhobi itch (singit); tinea capitis (anit); tinea corporis (katawan); tinea versidor (dibdib); tinea unguium (kuko) at tinea barbae (balbas).
Ang buni na umaatake sa mga kuko ay nagiging dahilan upang magkulay green o grey discoloration ito. Nagiging malutong din ang kuko at deformed. Ang athletes foot ang pinaka-karaniwang uri ng infection.
Antibiotic ang epektibong iginagamot sa buni. Ang griseofulvin ay tinitake orally. Bukod sa griseofulvin, maraming antifungal creams at ointments ang maaaring iprescribed.
Madaling kumalat ang buni kung maalinsangan, mamasa-masa at nagpapawis. Ipinapayo na laging patuyuin ang balat at gumamit ng footwear na yari sa natural leather kaysa sa synthetic materials. Kadalasang nagagamot ang buni sa loob ng ilang linggo maliban sa buni sa kuko na may kahirapang gamutin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest