^

PSN Opinyon

Mga reaksiyon sa mga doktor na gustong maging nurse

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MAHALAGA sa espasyo kong ito ang boses ni "Juan dela Cruz".

Narito ang ilan sa mga reaksyon matapos nilang mabasa ang aking naisulat na kolum nitong Miyerkules, Pebrero 5. Ang pamagat, "Mga Doktor Na Gustong Maging Nurse!"

(0917)9269615:
‘‘Tama ka sa punto mo. Ngayon di lang skilled workers ang nawala sa atin, pati na mga doctor. Kawawa talaga tayo sa Pilipinas’’.

(0917)6680144:
‘‘Ok ang topic mo regarding sa mga doctor na gustong maging nurse. Ako, may kilalang fiscal na kumuha ng nursing. Kaya ngayon, nurse na siya sa U.S.A’’.

(0917)4562306:
‘‘Do you know why doctors prefer to be nurse and go abroad? Because government doctors with casual items earn P5,400 in 15 days! Gutom hindi ba? Paano ka sisipaging mag-check-up?’’

(0918)5036228:
‘‘Tama ka na ‘wag na pahintulutan maging nurse ang mga doctors. Katawa-tawa na tayo sa buong mundo. Tama lang po bigyan na lang sila ng magandang incentives. Tell our doctors to leave alone the nursing profession. Let one senator pass a resolution prohibiting doctors to take up nursing. Not right!’’

(0920)4169912:
‘‘Reaction sa mga doctor, papaano naman sa Saudi at ibang bansa, tax free kami. Dito nagbabayad ka ng BIR through Landbank. Nananakaw pa. Binibigay mo na ang serbisyo, tinatax-an ka pa ng malaki. Lalo na ngayon, may VAT pa kami! Papaano di kami makakaisip umalis?’’
* * *
Para sa mga hindi nakabasa ng aking naisulat, nababahala kami sa pagkuha ng 2,000 doktor ng kursong nursing para maging nurse sa US. Mas malaki ang kanilang kikitain sa pagiging nurse kaysa pagiging doctor sa ating bansa.

Kapag hindi ito nasuri ng maigi ng ating pamahalaan at hinayaan na lang ang takbo ng sitwasyon, magiging malaki ang problema sa bandang huli.

Hindi puwedeng gawing dahilan na ang sitwasyong ito’y isang riyalidad sa nasabing propesyon. At lalong hindi katanggap-tanggap na sabihing "this is what the market dictates", ayon kay Sen. Juan Flavier.

Pareho ang aming pananaw ni Sen. Flavier na ang magagawa ng ating pamahalaan sa problemang ito ay bigyan ng oportunidad ang mga DOKTOR na nag-aral at nagtapos pa ng medisina nang ‘wag na mag-isip pang mangibang-bansa.

Tulad ng pagbibigay ng mataas na suweldo, magandang benepisyo at iba pang incentives para wag nang lumala ang sitwasyon.

Ang pagkakaiba namin ni Flavier, tanggap niya ang reyalidad. Sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO, may magagawa pa ang ating pamahalaan! At ang salitang aking gagamitin ay "approach avoidance".

Maiiwasan ang sitwasyong ito, kahit reyalidad! Ang mahalaga ay kumilos agad ang pamahalaan ni Juan dela Cruz at gumawa ng tamang hakbang malihis ang problema at wag nang lumala pa.

Kilos na! Pronto!
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310/ 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

vuukle comment

BINIBIGAY

CRUZ

FLAVIER

JUAN FLAVIER

MGA DOKTOR NA GUSTONG MAGING NURSE

NURSE

SA IMBESTIGASYON

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with