^

PSN Opinyon

Sec. Lina 'mapuputulan na ng ulo' sa Marso?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ISANG malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Interior Secretary Joey Lina bunga sa matagumpay na raid kamakailan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa jueteng sa iba’t ibang bahagi ng Luzon. Mahigit 100 kubrador o trabahador ng mga jueteng lord ang nahuli ng mga tauhan ni NBI director Reynaldo Wycoco na magpapatunay na talamak na naman ang jueteng sa bansa taliwas sa ipinagyayabang ni Sec. Lina. Kaya marami sa mga suki ko ang naniniwala na mapupugutan na ng ulo itong si Lina sa Marso. Dalawang buwan na lang at patutunayan ni Wycoco na hindi nagtagumpay si Lina sa kampanya niya laban sa jueteng.

At kung mapugutan man ng ulo itong si Sec. Lina dapat isama ring maparusahan itong si Chief Supt. Oscar Calderon, ang hepe ng pulisya sa Central Luzon. Kasi nga hindi rin umubra ang jueteng-free na ipinagyayabang ni Calderon sa nasasakupan niya. Karamihan kasi sa mga jueteng den na sinalakay ng NBI ay sa Central Luzon kaya’t ibig sabihin duling lang itong si Calderon kaya’t hindi niya nakikita ang ilegal na sugal sa lugar niya. Baka naduling siya sa kabibilang ng natanggap niyang intelihensiya, anang mga pulis na nakausap ko. He-he-he! Iisa talaga ang bulsa ng mga opisyales ng pulisya natin.

Kahit imported pa ang gagamiting salamin ni Calderon hindi niya makikita ang jueteng den ni Melchor ‘‘Ngongo’’ Caluag diyan sa Central Luzon lalo na sa hometown ni President Arroyo na Pampanga. Nabingi na rin siguro si Calderon sa pagtatawag ng mga politicians na huwag pahintuin itong si Ngongo kaya hindi niya maririnig ang mga sumbong ng sambayanan na tuloy pa rin ang jueteng diyan sa area niya. Naniniwala pa ba ang pamunuan ng PNP at Malacañang sa jueteng-free policy mo ha Gen. Calderon Sir? Panay kayo bola! Ano ba ’yan?

At hindi lang ’yan. Itong Region 3 na sakop ni Calderon din ang nanalong Best Regional Command nitong nagdaang 12 founding anniversary ng PNP, anang mga pulis. Baka naman paramihan ng pa-juetengan ang ginawang basehan ng award kaya’t nanalo ang Region 3, ayon pa sa mga pulis na nakausap ko. Hindi biro manalo ng naturang award ang isang command pero sa tingin ko si Calderon lang ang magyayabang sa kanyang sarili sa kanyang accomplishment dahil alam ng lahat na bigo siya sa jueteng-free policy niya. Siya lang kasi ang hindi nakakaalam na sumemplang siya. Ano ba ’yan?

Ang matagumpay na raid ng NBI sa jueteng ang magpapatunay mga suki na hindi na sinusunod ng kapulisan ang mga kautusan ni Lina. Papaano makahuli ng ganyang karaming gambling lords sa bansa? Tanong lang. At ang malungkot niyan, kahit hindi na siya sinusunod ng ating pulisya panay pa rin pakulo ni Lina at nitong huli nga ay loose firearms naman ang pinatulan. Habang tuluy-tuloy ang jueteng campaign ng NBI dapat magsagawa rin ng malawakang kampanya ang PNP para hindi mapahiya si Lina, di ba mga suki. Para mapatunayan ni Lina sa Palasyo na may asim pa ang laway niya.

ANO

BEST REGIONAL COMMAND

CALDERON

CALDERON SIR

CENTRAL LUZON

JUETENG

LINA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with