^

PSN Opinyon

NPA ba ang bumira kay Kintanar?

- Al G. Pedroche -
MATAPOS ang ilang araw, umamin na ang New People’s Army sa pagpatay sa dati nitong leader na si Romulo "Rolly" Kintanar. Kinabukasan, matapos paslangin si Kintanar, isa pang ex-NPA officer ang itinumba. Nabubuo sa isip natin na umaarangkada ang NPA laban sa mga dating kasamahang nagbalik-loob sa lipunan. Mga dating "comrades" na nag-hudas.

Pero may mga naniniwala na kahit ano ang ibintang sa NPA ay aaminin nito upang ipakitang ito’y mayroon pang puwersang labanan ang gobyerno. Sabi ng iba, puwedeng sindikato ang nagtumba kay Kintanar na marami nang alam sa operasyon nito. Posible raw na binayaran ng malaking halaga ang NPA para umamin sa krimen. At komo nangangailangan ng pondo ang kilusan, madaling kakagat ito sa alok.

Si Kintanar ay naging konektado sa Bureau of Immigration (BI)." May mga haka-haka na nakita ni Kintanar ang mga katiwalian ng sindikato sa BI. Handa na umanong magbunyag si Kintanar ng mga nalalaman kaya siya’y iniligpit ng sindikato.

Sabi ng dating inteligence agent ng BI na si Erwin Rodolfo, bukod sa human smuggling at kuneksyon sa HK Triad, alam na ni Kintanar ang kuneksyon ng sindikato sa teroristang Al Qaeda. Markado na rin umano si Erwin sa hit squad ng sindikato dahil sa mga nalalaman niyang katiwalian. Tatlong linggo bago itumba si Kintanar, madalas na may nakabuntot sa sasakyan ni Erwin. Mga taong kahinahinala na sakay ng motorsiklo. Pero dahil sa talas ng kanyang pang-amoy, gumagawa na siya ng kaukulang pag-iingat. Ayan, naunang itinumba si Kintanar, aniya. Natalakay na natin ang mga katiwalian sa immigration base sa mga ibinunyag ng ating impormante sa mga nakaraan nating kolum dito at sa bagong tabloid na PM (Pang-Masa). May ugnayan na raw si Kintanar kay Erwin. Interesado na umano si Kintanar na sumuporta sa mga anomalyang ibinubunyag ni Erwin.

Hindi pa rin nawawala kay Kintanar ang "utak rebelde". May nagsabi sa akin na determinado sa Kintanar na wasakin ang graft and corruption sa gobyerno. May iba pang pagbubunyag sa’kin si Erwin hinggil sa mga sari-saring anomalya sa BI na aking tinalakay sa kolum na Aldabis sa bagong tabloid na PM. Bumili na ng inyong kopya baka kayo maubusan.

AL QAEDA

BUREAU OF IMMIGRATION

ERWIN

ERWIN RODOLFO

KINTANAR

NEW PEOPLE

PERO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with