^

PSN Opinyon

Ang prutas na pasyonara (passion fruit)

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
SA likod ng bahay ni Efren ay napansin ko ang isang bagin na gumagapang sa isang malaking puno. Natuwa ako dahil may bunga ang bagin.

‘‘Ano ba ang bagin na iyon at mukhang masarap ang bunga Efren?

‘‘Iyan ang pasyonara Doktor,’’ mabilis na sagot ni Efren sabay pitas ng isang bunga na kulay granate. Mas malaki sa itlog ng manok at makinis.

Binuksan niya ang prutas at lumabas ang maraming butas. Inabot sa akin ang kalahati.

"Sipsipin mo Doktor ang laman," utos ni Efren.

Sinunod ko ang sinabi ni Efren. Sinipsip ko ang pasyonara. Hindi ko inaasahan ang lasa. Kakaiba. ‘‘Pambihira,’’ sabi ko, ‘‘medyo matamis, medyo maasim pero malinamnam.

‘‘Alam mo ba, Doktor, kung bakit tinawag itong passion fruit?’’

‘‘Siguro para ganahang makipagtalik ang isang tao.’’

Napatawa si Efren. ‘‘Hindi Doktor.’’

‘‘Pakipaliwanag nga sa akin,’’

Pumitas si Efren sa isang bulaklak at pinakita ang mga bahagi. ‘‘Ayon sa mga nakakatanda, malaki ang bahagi ng pasyonara sa paghihirap sa krus ni Jesus.’’

Ipinakita ni Efren sa akin ang mga bahagi ng bulaklak.

‘‘Ang talulot ay ang talim na sumaksak sa katawan ni Jesus. Ang puting nasa gitna ay tatlong tulis ay sagisag ng tatlong pako na ibinaon sa mga kamay at paa. Ang bagin ay ang lubid na ginamit na pantali sa mga kamay at paa ni Jesus."

Kaya pala pasyonara ang tawag naisip ko.

ALAM

ANO

AYON

BINUKSAN

DOKTOR

EFREN

HINDI DOKTOR

INABOT

IPINAKITA

IYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with